26/05/2026
Paalala po mga ka-AC!
Marami pong mga kumakalat na scammers ngayon. May tatawag at magpapanggap na client or relative ng client, mag-inquire sa legit na business owner at magpapa-estimate ng AC units at eventually oorder. Pagdating sa site na lalagyan ng aircon ng legit na installer, malalaman nila mula sa client na nag-downpayment or fully paid na raw sila sa thru gcash ng scammer. Ang SCAMMER ay nagpapanggap rin na installer/owner magbibigay ng napakababang presyo at yung kawawang client hihingian ng downpayment, at ang nabiktima ay hindi na mabawi ang kanilang binayad. Niloloko ng scammer both ang legit business owner and customer at the same time.
Maging mapanuri po tayo at mag-ingat sa lahat ng ating mga transactions.
God bless!