09/06/2026
Ipinaaalam po namin na pansamantalang walang operasyon ang aming mga opisina sa Biyernes, Hunyo 12, 2026, bilang paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, upang magbigay pugay sa kalayaan at kasarinlan ng bansa.
Itaas natin ang ating mga noo at gunitain ang dugong idinalangin at ipinaglaban ng ating mga ninuno. Ang araw na ito ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan, kundi isang hamon sa bawat Juan at Maria na maging bagong bayani para sa isang mas maunlad, makatarungan, at nagkakaisang Pilipinas.