02/04/2026
BREAKING NEWS: ASAHAN ANG ISA PANG BIG-TIME OIL PRICE HIKE BUKAS. MAGING ALERTO, MAGING HANDA 🙏🚗🚙🚌🛵🏍️
Panibagong pasakit na naman sa bulsa ng mga motorista at commuters dahil nakaamba ang isa na namang big-time oil price hike ngayong Martes, March 31!
Batay sa pagtataya ng mga kumpanya ng langis, posible umanong umabot hanggang ₱13 kada litro ang itataas sa diesel—isang matinding dagdag na tiyak na mararamdaman ng lahat.
Hindi rin nakaligtas ang gasolina—mula sa inaasahang rollback, biglang baliktad ito sa taas-presyo na maaaring pumalo mula ₱0.50 hanggang ₱2.50 kada litro!
Samantala, sa kerosene, posibleng umabot sa ₱5 kada litro ang dagdag—panibagong dagok lalo na sa mga umaasa rito sa araw-araw.
Wala pa ring preno ang sunod-sunod na oil price hike, na sinisisi sa umiigting na tensyon sa Middle East at sa hirap ng suplay ng langis na dumadaan sa Strait of Hormuz.