15/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐ก๐ฅ ๐๐จ ๐๐ค๐ข๐๐ฃ๐, ๐ฟ๐๐๐ช๐ฅ๐รฑ๐ค๐จ. ๐ผ๐ฃ๐ ๐โ๐ก๐ก ๐๐ก๐ฌ๐๐ฎ๐จ ๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ค๐ง ๐ฎ๐ค๐ช.
Sa bawat barangay na ating naaabot, nais kong iparamdam sa bawat Dagupeรฑo na hindi kayo nag-iisa. Sa panahon ng pangangailangan, may tutulong, may makikinig, at may mananatili sa inyong tabi.
Mula Bonuan Binloc, Bonuan Gueset, at Malued, patuloy nating naihahatid ang tulong sa ating mga kababayan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat. At hindi dito nagtatapos ang ating pagkilos patuloy nating aabutin ang buong 31 barangay ng Dagupan City.
Sa kabila ng lahat ng pagsubok na ating kinakaharap, naniniwala akong sabay-sabay nating malalampasan ito. Hindi man madali ang bawat araw, mas magiging magaan ang pagbangon kung sama-sama tayong kikilos, magtutulungan, at hindi iiwan ang isa't isa.
Maraming Salamat po kay Mayor Belen T. Fernandez sa kanyang pamumuno, malasakit, at patuloy na suporta sa ating relief operations kay VICE MAYOR BK KUA at sa aking mga kasamang konsehal na sina Joeyboy Atty Tamayo II, Tala Paras, Jigs Seen, at Doc Jaja Cayabyab.
Saludo rin sa CDRRMO sa pangunguna ni Chief Ronald De Guzman, DCPO sa pangunguna ni City Director PCOL Arnold Solomon, BFP-Dagupan sa pangunguna ni Fire Chief Inspector Michael Samera, at sa lahat ng ating barangay officials, volunteers, at frontliners.
Maraming Salamat din sa DSWD, kay Secretary Rex Gatchalian, DSWD Region I Director Marie Angela S. Gopalan, CESO III, at sa DSWD Angels in Red Vests sa mabilis na pagtugon at pagdadala ng tulong sa ating mga kababayan.
Salamat kina Kap. Wilmer Castaรฑares ng Bonuan Binloc, Kap. Noel Bumanlag ng Bonuan Gueset, at Kap. Pheng Delos Santos ng Malued, kasama ang kanilang mga barangay council at volunteers, sa maayos na koordinasyon at pakikipagtulungan.
Bilang inyong lingkod, gusto kong malaman ninyo na lagi akong nandito. Hindi lamang kapag may kalamidad o relief operations, kundi sa abot ng aking makakaya, sa bawat pagkakataong kailangan ninyo ng tulong.
31 barangays. Isang Dagupan. Isang serbisyo. Walang iwanan. Sa kabila ng lahat, sabay-sabay tayong babangon, sabay-sabay nating malalampasan ito. ๐ค