28/07/2026
July 21, 2026 | Benchmarking Activity at SciCAT LGU Siniloan Farm Project Site, Siniloan, Laguna
Sama-samang tumungo ang SciCAT CvSU Team at LGU Magallanes Team sa project site upang makakalap ng mahahalagang kaalaman at pamamaraan mula sa proyekto ng SciCAT sa Siniloan, Laguna. Ito ay nagbigay-daan upang mas mapalawig ang mga naunang plano at balakin ng proyekto na mas mabigyang importansya ang mga angkop at nararapat para sa ikagaganda at ikauunlad ng Bayan ng Magallanes sa parehong larangan ng agrikultura at turismo.
Ito ay naging posible dahil sa partisipasyon ng Team Magallanes, sa pangunguna ni Hon. Mayor Janessa Maligaya de Ramayo, at sa pagpapaunlak ng LGU Siniloan, Laguna, sa pangunguna naman ni Hon. Mayor Patrick Ellis Zamora Go, kasama rin ang DA-BPI Team ng Los Baรฑos, Laguna. Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pagsuporta sa layunin ng proyekto at samahang ito.
Hanggang sa susunod na lakbayin...