Nampicuan Waterworks System

Nampicuan Waterworks System Nampicuan Waterworks System is a water service committed to provide its consumers potable water. "Service for Life and Progress"

πŸ“’ PABATID: DUE DATE ADJUSTMENTMagandang araw po, mga minamahal naming consumers!Ipinapaalam po ng Nampicuan Waterworks S...
24/08/2026

πŸ“’ PABATID: DUE DATE ADJUSTMENT

Magandang araw po, mga minamahal naming consumers!

Ipinapaalam po ng Nampicuan Waterworks System na ang due date ng water bill para sa July 2026 billing ay ia-adjust dahil sa mga nakalipas na government at class suspensions dulot ng sunud-sunod na sama ng panahon.

πŸ’§ Bagong Due Date: SEPTEMBER 8, 2026

Hinihiling po namin ang inyong pakikipagtulungan na mabayaran ang inyong water bill sa loob ng itinakdang panahon upang maiwasan ang anumang penalty at upang patuloy nating mapanatili ang maayos na serbisyo ng ating water system.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa Nampicuan Waterworks System. πŸ’™πŸ’§

18/08/2026

πŒπ„πŒπŽπ‘π€ππƒπ”πŒ π‚πˆπ‘π‚π”π‹π€π‘ 𝐍𝐎. πŸπŸπŸ—, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”

Upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), and in anticipation of continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon, government offices in the National Capital Region and the provinces of Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro, and Oriental Mindoro are directed to implement appropriate alternative work arrangements on 19 August 2026.

Agencies delivering essential and vital services shall continue their operations. Alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented in public and private schools in the aforementioned areas.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/1xdHtU

πŸ“’ PAALALA MULA SA NAMPICUAN WATERWORKS SYSTEMπŸ’§ Mag-ipon ng Tubig-Ulan. Magtipid sa Tubig. Maging Handa sa Panahon ng Tag...
03/08/2026

πŸ“’ PAALALA MULA SA NAMPICUAN WATERWORKS SYSTEM

πŸ’§ Mag-ipon ng Tubig-Ulan. Magtipid sa Tubig. Maging Handa sa Panahon ng Tagtuyot. πŸ’§

Hinihikayat ng Nampicuan Waterworks System ang lahat ng ating mga consumers na samantalahin ang panahon ng tag-ulan upang mag-ipon ng malinis na tubig-ulan. Ang simpleng rainwater harvesting ay malaking tulong upang magkaroon ng alternatibong mapagkukunan ng tubig sa panahon ng tagtuyot.

Ang naipong tubig-ulan ay maaaring gamitin sa:
βœ”οΈ Pagdidilig ng mga halaman
βœ”οΈ Paglilinis ng bakuran at paligid
βœ”οΈ Paghuhugas ng sasakyan
βœ”οΈ Paglilinis ng mga kagamitan at iba pang gawaing hindi nangangailangan ng inuming tubig

Kasabay nito, hinihiling din namin ang inyong pakikiisa sa responsableng paggamit ng tubig mula sa ating Waterworks System o maging sa mga pribadong poso. Ang pagtitipid ng tubig ay makatutulong upang mapanatili ang sapat na suplay para sa buong komunidad, lalo na sa mga panahong mataas ang konsumo at limitado ang pinagkukunan ng tubig.

Mga simpleng paraan ng pagtitipid ng tubig:
β€’ Gumamit lamang ng sapat na dami ng tubig sa bawat gawain.
β€’ Isara ang gripo kapag hindi ginagamit.
β€’ Ayusin agad ang mga tumutulong gripo at sirang tubo.
β€’ Gumamit ng timba sa paghuhugas sa halip na tuloy-tuloy na pagdaloy ng tubig.
β€’ Muling gamitin ang tubig kung maaari, gaya ng pinagbanlawan, para sa paglilinis o pagdidilig.

Ang bawat hakbang na ating ginagawa ngayon ay makatutulong upang maging handa ang ating pamilya at komunidad sa panahon ng kakulangan ng tubig.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating mahalagang likas na yaman. Ang bawat patak ng tubig ay mahalaga.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta. πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

A friendly reminder to our valued consumers:
22/07/2026

A friendly reminder to our valued consumers:

Naging matagupay ang pag-install ng circuit breaker last week kung saan direkta na ang pag pump ng tubig sa distribution...
13/07/2026

Naging matagupay ang pag-install ng circuit breaker last week kung saan direkta na ang pag pump ng tubig sa distribution lines at hindi na dadaan sa tangke. Maraming salamat sa ating pump operator Sir Edwin Damias, sa ating watchman on duty Sir Joemar Nacis, at ang ating mga meter readers at pipe fitter sa pag assist. πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

08/07/2026

PABATID:
Magkakaroon po ng installation of circuit breaker ang CABADUCAN WEST PUMPING STATION mamayang 2:00 ng hapon hanggang alas 4:00 din ng hapon (2 oras). Isasagawa ito upang direkta na ang tubig sa distribution lines at hindi na aakyat sa tangke na gagamitin tuwing peak hours.

Asahan ang mahina hanggang sa walang tubig habang isinasagawa ito kaya naman pinapayuhan ang aming mga consumers na mag ipon ng tubig upang may magamit sa mga oras na ito.

Humihingi po kami ng paumanhin sa pansamantalang abalang dulot nito at taos-puso naming pinahahalagahan ang inyong pasensya at pang-unawa habang patuloy naming pinapabuti ang aming sistema ng distribusyon ng tubig para sa kapakinabangan ng lahat ng aming mga consumer.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at pakikipagtulungan. πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

Mga larawan sa naganap na Flushing Activity kasabay ang major repair ng main lines sa Brgy. West Central Poblacion at Br...
06/07/2026

Mga larawan sa naganap na Flushing Activity kasabay ang major repair ng main lines sa Brgy. West Central Poblacion at Brgy. Estacion noong July 2, 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw. Maraming salamat sa ating mga magigiting na field workers, Sir Neil Dela Cruz, Sir Edwin Damias, Sir Danilo Aglibot at Sir Kenneth Divina, kasama ang mga watchmen on duty, Sir Rebeck Fernando at Sir Rojheme Dumlao, para sa maayos na pagsasagawa ng programang ito. πŸ’§πŸ’§πŸ’§

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers: Magkakaroon po tayo ng Flushing Activity ang ating dalawang Pumping Station sa Jul...
29/06/2026

Pabatid sa lahat ng NAWASA consumers:
Magkakaroon po tayo ng Flushing Activity ang ating dalawang Pumping Station sa July 2, 2026, sa ganap na ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga. Ito po ayisinasagawa upang malinis at ma-flush out ang mga dumi sa mga tangke at distribution lines.
Asahan na walang supply ng tubig kaya pinapayuhan po ang lahat na mag ipon upang may magamit sa mga oras na ito. Posible ding magkaroon ng panandaliang discoloration ng tubig kaya naman panatilihing nakasara ang mga gate valves habang isinasagawa ito. Kung magtagal ng isang araw ang discoloration ng tubig, mangyaring ipagbigay alam ito sa ating opisina.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik at pang-unawa πŸ’¦πŸ’¦πŸ’¦

πŸ’§ WATER BILL PAYMENT REMINDER πŸ’§πŸ“’ Attention NAWASA valued consumers,
24/06/2026

πŸ’§ WATER BILL PAYMENT REMINDER πŸ’§
πŸ“’ Attention NAWASA valued consumers,

Address

Brgy. North Poblacion
Nampicuan
3116

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nampicuan Waterworks System posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share