22/09/2026
May natanggap kang notice tungkol sa Service Irregularity (SI)? Huwag mahiyang magtanong. Ito ang mga pwede mong gawin para mas maintindihan ang findings at next steps:
🔎 Alamin ang detalye
Pwede mong itanong kung ano ang nakita sa inspection, kasama na ang mga natuklasan sa pag-check ng metro, at paano na-compute ang bill.
💬 I-share ang side mo
May tanong, paglilinaw, o additional information tungkol sa account mo? Pwede mo itong ipaliwanag at ipa-review sa amin.
🤝 Humingi ng gabay
Handa kaming magpaliwanag at tumulong upang mas maintindihan mo ang proseso at mga available na options para sa iyong account.
For further assistance, message us on Facebook Messenger or visit your nearest Meralco Business Center.