25/02/2025
Isang matagumpay na aktibidad ang naisagawa ng SAKABARO (Samahan ng mga Kabataan para sa Bayan ng Roxas) noong Pebrero 9, 2025 para sa mga katutubong naninirahan sa Sitio Tauga Diit, Brgy. San Vicente. Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng simpleng tulong at kasiyahan sa mga bata at kanilang mga magulang.
Bagamat malayo ang lugar, hindi ito hadlang para patuloy kaming mag-abot ng tulong at kasiyahan sa mga nangangailangan. Nais naming pasalamatan ang ating butihing Mayor Leo G. Cusi Sr., Sir Kenneth Cusi, at ang kanyang mga kasamahan mula sa One Strong Roxas sa walang sawang pagsuporta. Gayundin, maraming salamat sa mga kabataan na patuloy na nakikiisa sa iba't-ibang aktibidad at programa.
Sa mga tumulong na Brgy. Officials sa pangunguna ni Kapitan Sadiwa, at sa mga parents and youth volunteer ng Brgy. San Vicente, maraming salamat sa inyong pakikiisa upang maisagawa ang aktibidad na ito nang maayos at ligtas. At higit sa lahat, maraming 4th Infantry "Scorpion" Battalion, Philippine Army sa kanilang permiso na isakatuparan ang gawaing ito.
Para sa mga nais pang sumama sa mga aktibidades ng SAKABARO, mag-message lamang sa aming FB page.