08/08/2026
Ang gaan pala talaga sa pakiramdam ng tunay na pagpapatawad 'no? 'Yung hindi na galit, hindi na sakit... puro na lang alaala ng kabutihan at mga magagandang moments ang natira.
Grabe 'yung sagot ni Lord sa prayer ko. The best ka!
“Kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, gayon din ang gawin ninyo.” — Colosas 3:13
Hindi madali. Pero naramdaman ko siya ngayon. Biglaan, banayad, parang binuhat ni Lord lahat ng bigat sa dibdib ko at pinalitan ng kapayapaan.
Sa tototo lang, ang bigat magpatawad kapag sanay ka na ikaw lagi yung umuunawa. 'Yung tipong binigay mo na lahat ng pasensya, paliwanag, at second chances... tapos ikaw pa yung maiiwang may sugat. Kaya ang sakit din marinig na "hayaan mo na 'yon, matagal na 'yon e" — e hindi nila nakita kung gaano mo muna inunawa bago ka napuno. Pero ngayon, iba na. Ang pagpapatawad hindi para sa kanila. Para sa'kin. Para hindi na nakakulong yung puso ko sa galit o sama ng loob. Para makahinga ulit. Para maging malaya.
Hindi kailangang i-announce sa kanila. Minsan ang pinaka-mahalagang "pinatawad kita" ay 'yung tahimik mong sinabi sa Diyos at sa sarili mo.
Isa sa natutunan ko: Valid yung galit mo. Valid yung sama ng loob mo.
May karapatan kang masaktan. May karapatan kang mapuno.
Hindi ibig sabihin na dahil "mabait ka" kailangan mo agad magpatawad at magpanggap na okay lang. Pero, hindi ibig sabihin na dahil valid siya, kailangan mo na siyang buhatin habang buhay.
Ang ginawa ko ngayon — binitawan ko na lahat. Hindi kasi "okay lang" yung ginawa nila. Pero "okay na" kahit nangyari 'yon. At para sa'kin ito yung tunay na freedom. Hindi para sabihing "wala lang yun". Kundi para sabihing "Lord, hindi ko na dadalhin to. Palayain Mo po ako."
Hindi inapura. Hindi pinilit. Inunawa, umiyak, itinaas kay Lord tapos kusa Niyang pinagaling.
Pinili kong maghintay sa healing ni Lord imbes na magmadali sa band-aid solution.
Iba ang kapayapaan sa hindi pilit na pagpapatawad. ✨