08/04/2026
One of our Customer once said "Aanhin ko ang murang presyo ng quotation ng solar kung hindi naman ito dekalidad?
Tama po kayo—sa huli, ang "MURA" ay maaaring maging mas MAHAL kung hindi naman ito tatagal o magbibigay ng sapat na kuryente o enerhiya. Pagdating sa solar energy, ang investment mo ay hindi lang para sa ngayon, kundi para sa susunod na 15 hanggang 25 taon.
Narito ang ilang mga detalye at dapat bantayan kapag masyadong mababa ang quotation kumpara sa market price:
1. "Tier 1" vs. Generic Panels
Maraming murang solar panels ang walang maayos na warranty o sertipikasyon. Ang mga Tier 1 panels ay dumaan sa matitinding test. Ang mga mumurahing panel ay mas mabilis mag-degrade ang performance; baka pagdating ng 3 hanggang 5 taon, 50% na lang ang binibigay nilang kuryente.
2. Efficiency ng Inverter
Ang inverter ang "puso" ng iyong solar system. Kung ito ay hindi de-kalidad:
Mababang Conversion: Hindi lahat ng sikat ng araw ay nagiging kuryente.
Safety Risk: Ang mga mumurahing inverter ay mas madaling mag-overheat o magsanhi ng short circuit.
Walang After-sales: Mahirap humanap ng pyesa o technician kapag nasira ang brand na hindi kilala.
3. Mounting at Wiring (Ang Madalas nakakalimutan)
Minsan, sa accessories at wire tinitipid ang quotation para mas mababa ang presyo.
Corrosion: Kung hindi aluminum o stainless steel ang railings, kakalawangin agad ito lalo na sa klima ng Pilipinas.
DC Cables: Kung masyadong manipis ang ginamit na wire para makamura, mag-iinit ito at maaaring maging sanhi ng sunog ng system o ng bahay mo.
4. Professional Installation at Warranty
Ang murang presyo ay madalas galing sa mga "fly-by-night" installers.
Walang Service Warranty: Kapag nagka-problema paglipas ng ilang month o taon, hindi mo na sila mahagilap.
Professional Design: Hindi dumaan sa masusing pagsusuri ng isang Electrical Engineer, walang maayos na plano at disenyo.
Walang Net Metering support: Hindi ka matutulungang i-apply ito sa Meralco o sa iyong local utility provider.
Paano magkumpara ng Quotation?
Huwag lang tignan ang Bottom Line (Total Price). Gamitin ang formula na ito para makita ang tunay na halaga lalo na sa panahon ngayon na nagmahal ang mga materyales sa solar:
Total Project Cost divided by the System Capacity (Watts)
Price per Watt=
Kung ang industry standard ay naglalaro sa ₱45,000 to ₱60,000 per kWp (depende sa laki at brand at baterya) at ang alok sa iyo ay sobrang baba rito, mag-ingat na.
Tandaan: Ang solar power ay isang long-term asset. Mas mainam nang magbayad ng tama sa simula para sa peace of mind at sigurado ang ROI (Return on Investment), kaysa sa mura nga pero sakit naman ng ulo ang dala buwan-buwan.