23/10/2024
POWER RATE ADVISORY
Bumaba ang CAGELCO II Power Rate ngayong buwan ng Oktubre ng higit sa Piso o Php 1.1358 per kWh kung kayaโt ang overall electricity rates ng Residential Consumers ng ating Kooperatiba ay nasa halagang Php 10.3694 per kWh lamang.
Bunsod ito ng bumabang Generation Charge mula sa ating Power Suppliers na GN Power Mariveles Energy Center (GMEC) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM) habang ang Bac-Man Geothermal, Inc. naman ay nanatiling mababa ang singil.
Isa ring dahilan ng pagbaba ng overall rate ay ang pagtatapos ng apat na buwang installment ng nabiling kuryente mula sa WESM noong Mayo, 2024 alinsunod sa ERC Case No. 2024-017 MC.
Ang tanging napupunta naman sa CAGELCO II na โDistribution, Supply at Metering Chargesโ ay nananatili pa rin sa Php 2.4034/kWh.
Gayunpaman, muli po naming ipinapaalala sa ating Member-Consumer-Owners na ugaliin ang pagtitipid ng kuryente.
Maraming salamat po at mag-iingat po tayong lahat.