UP LAKAN Baguio

UP LAKAN Baguio Samahan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Baguio na nagmula sa lalawigan ng Bulacan

Chapter Founder: Isaac Ern Galang

Set of Officers for the school year 2022-2023

Chairperson: Ivan Pangan
Vice President for Internal Affairs: Franchesca Ortega
Vice President for External Affairs: Mary Catherine Espejo
Secretary General: Crisitine John Jamon
Finance Committee Head: Jasmine Margarette Estrella
Academic Committee Head: Lauriane Rose Carpio
Publicity Committee Head: Bea Christia Tolentino
Special Projects, Events and Culture Committee Head: China Gem Santos

ππ€π’π€π‡πˆπ: PAHAYAG NG UP LAKAN BAGUIO HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA PAGBAHA SA BULACANHANGGANG KAILAN NAKALUBOG ANG BULA...
31/08/2026

ππ€π’π€π‡πˆπ: PAHAYAG NG UP LAKAN BAGUIO HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA PAGBAHA SA BULACAN

HANGGANG KAILAN NAKALUBOG ANG BULACAN?

Baha, trapiko, walang katapusang konstruksyon, at mga proyektong hindi napapakinabanganβ€”ilang dekada nang pasan ng mga Bulakenyo ang mga problemang dulot ng kapabayaan at kawalan ng pananagutan.

Bilang mga Bulakenyong Iskolar ng Bayan, nananawagan ang UP LAKAN Baguio para sa tunay, maayos, at pangmatagalang solusyon, malinaw na paggamit ng pondo ng bayan, at pananagutan ng mga responsable.

Hindi dapat masanay ang Bulacan sa baha at kapabayaan. Panagutin ang dapat managot. Ipaglaban ang serbisyong para sa mamamayan.


ππ€π’π€π‡πˆπ: PAHAYAG NG UP LAKAN BAGUIO HINGGIL SA KAWALAN NG TUBIG AT AKSYON SA SIYUDAD NG SAN JOSE DEL MONTEMula sa panawa...
31/08/2026

ππ€π’π€π‡πˆπ: PAHAYAG NG UP LAKAN BAGUIO HINGGIL SA KAWALAN NG TUBIG AT AKSYON SA SIYUDAD NG SAN JOSE DEL MONTE

Mula sa panawagan para sa simpleng tubig, aksyon at respeto ang dapat na naging tugonβ€”hindi galit o panduduro. Karapatan ng bawat San JoseΓ±o ang sapat na supply ng tubig at ang malayang pagpapahayag ng kanilang problema. Kondenahin ang pampublikong pamamahiya!


MALIGAYANG KAARAWAN, JARRIZ! πŸ₯³Salamat sa palaging pagsama sa mga ganaps, lalo na sa walang katapusang tindahan sa LAKANt...
25/08/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, JARRIZ! πŸ₯³

Salamat sa palaging pagsama sa mga ganaps, lalo na sa walang katapusang tindahan sa LAKANto 😌 Patuloy ka sana naming makita sa mga future ganapz (kahit wala ka nang tatawanan na Julian Pampilon)!

We love you! πŸ’š

MALIGAYANG KAARAWAN, AC! πŸ₯³βœ¨Alam naming nagtatampo ka na dahil anong oras na ng gabi, pero sabi mo nga, "its the thought ...
23/08/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, AC! πŸ₯³βœ¨

Alam naming nagtatampo ka na dahil anong oras na ng gabi, pero sabi mo nga, "its the thought that counts" (sinabi niya talaga 'yan???)

Maligayang kaarawan sa napaka-aktibong SPEVCUL Head ng LAKAN! Patuloy sana naming makita ang iyong sikhay sa pagkilos at sana patuloy mo kaming mahawa ng iyong good vibes. HOO MASAYA TO!

We love you! πŸ’š

Dumaan na ang halloween, pasko, bagong taon, semana santa, tag-init, tag-ulan, at maraming bagyo… sa wakas, mare-reveal ...
21/08/2026

Dumaan na ang halloween, pasko, bagong taon, semana santa, tag-init, tag-ulan, at maraming bagyo… sa wakas, mare-reveal na rin sila.

πŠπˆπ‹π€π‹π€ππˆπ 𝐀𝐍𝐆 ππ”πŒπ”πŽ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-13 𝐍𝐀 π‹π”ππŽππ† π“π€π†π€ππ€ππ†π€π’πˆπ–π€ 𝐍𝐆 𝐔𝐏 π‹π€πŠπ€π ππ€π†π”πˆπŽ

Maraming salamat sa inyong serbisyo!

Taas-noo, Bulakenyo! βœŠπŸ’š





πŠπˆπ‹π€π‹π€ππˆπ 𝐀𝐍𝐆 ππ”πŒπ”ππ”πŽ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-14 𝐍𝐀 π‹π”ππŽππ† π“π€π†π€ππ€ππ†π€π’πˆπ–π€ 𝐍𝐆 𝐔𝐏 π‹π€πŠπ€π ππ€π†π”πˆπŽSa panibagong yugto ng UP LAKAN Baguio bilang ...
19/08/2026

πŠπˆπ‹π€π‹π€ππˆπ 𝐀𝐍𝐆 ππ”πŒπ”ππ”πŽ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-14 𝐍𝐀 π‹π”ππŽππ† π“π€π†π€ππ€ππ†π€π’πˆπ–π€ 𝐍𝐆 𝐔𝐏 π‹π€πŠπ€π ππ€π†π”πˆπŽ

Sa panibagong yugto ng UP LAKAN Baguio bilang opisyal na samahan ng mga Bulakenyong mag-aaral sa UP Baguio, may katangi-tanging mga kasapi na tumanggap sa malaking hamon na pamahalaan ang organisasyon.

Bitbit ang pangako ng pagsisilbi sa bayan at sa lupang sinilangan, pangako ng Lupong Tagapangasiwa na mas patatagin pa ang LAKAN Baguio at ang layunin at simulain nito na maging matibay na sandigan para sa mga may dugo at pusong Bulacan.

Pangulo: Nordelaine Oriana
Pangalawang Pangulong Panloob: Zia Barana
Pangalawang Pangulong Panlabas: Em Sacdalan
Kalihim: Bea Lagonsin
Ingat-Yaman: Rjed Durolfo
ASH Officer: Aneiken Perdigon
Pinuno ng Komiteng SPEVCUL: AC Hinojales
Pinuno ng Komiteng Akademiko: Camilla Koike
Pinuno ng Komiteng Pampublikasyon: Rese Bulac

Taas-noo, Bulakenyo! βœŠπŸ’š

Special thanks to: Goodshot Cafe (10 Happy Glen Loop, Baguio City)


Maligayang Kaarawan, Ysa! πŸ’šπŸŒ·Taos-pusong pagbati mula sa UP LAKAN Baguio! Salamat sa pagiging maaasahan, mabait, responsa...
18/08/2026

Maligayang Kaarawan, Ysa! πŸ’šπŸŒ·

Taos-pusong pagbati mula sa UP LAKAN Baguio! Salamat sa pagiging maaasahan, mabait, responsable, masipag, dedikado, at maalaga sa mga taong nakapaligid sa’yo πŸ’š Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang iyong espesyal na araw!

Maligayang Kaarawan, Rai! πŸ’šπŸŒ·Rai, taos-pusong binabati ka ng UP LAKAN Baguio sa iyong espesyal na araw. Maraming salamat ...
03/08/2026

Maligayang Kaarawan, Rai! πŸ’šπŸŒ·

Rai, taos-pusong binabati ka ng UP LAKAN Baguio sa iyong espesyal na araw. Maraming salamat sa iyong kabaitan, pagiging mahinahon, at dedikasyon sa ating organisasyon. Bilang isa sa ating mga dating Kalihim, tunay naming pinahahalagahan ang iyong pagiging responsable, maaasahan, at ang malasakit na ipinakita mo sa bawat gawaing iyong hinawakan.

Your gentle presence and quiet strength have left a lasting impact on all of us.

πŒπ†π€ 𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐒𝐀 π’πŽππ€Ang State of the Nation Address (SONA) ay hindi dapat maging entablado ng pagbubuhat ng sariling bangko ...
29/07/2026

πŒπ†π€ 𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐒𝐀 π’πŽππ€

Ang State of the Nation Address (SONA) ay hindi dapat maging entablado ng pagbubuhat ng sariling bangko ng administrasyon. Ito ay dapat magsilbing tapat na pag-uulat sa kalagayan ng bansa at konkretong pagharap sa mga problemang kinahaharap ng sambayanan.

Sa kanyang ikalimang SONA, ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga umano'y naging tagumpay ng kanyang administrasyon sa iba't ibang sektor. Binanggit niya ang pagpapatuloy ng mga proyektong pang-imprastraktura, kabilang na ang pagpapalawak ng mga kalsada, tulay, at railway projects na layong mapabuti ang transportasyon at konektibidad sa bansa. Gayunpaman, nananatiling hamon kung kailan tunay na mararamdaman ng mga commuter ang benepisyo ng mga proyektong ito, lalo na sa gitna ng patuloy na problema sa trapiko, mahabang biyahe, at kakulangan ng maaasahang pampublikong transportasyon.

Tinalakay rin sa SONA ang usapin ng enerhiya at ang pangangailangan na tiyakin ang sapat, matatag, at abot-kayang suplay ng kuryente at enerhiya para sa bansa. Binigyang-diin man ang pagpapalawak ng energy sector upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng ekonomiya, nananatiling mabigat na pasanin para sa maraming Pilipino ang mataas na singil sa kuryente pati na ang lumolobong presyo ng langis. Ang pagkakaroon ng enerhiya ay hindi lamang dapat nakatuon sa paglago ng industriya, kundi dapat ding tiyakin na ito ay kayang abutin ng karaniwang mamamayan.

Bukod dito, binigyang-diin din ng administrasyon ang mga programa para sa flood control at disaster resilience upang tugunan ang paulit-ulit na pagbaha na nararanasan ng maraming komunidad. Binanggit din ang pagpapalakas ng agrikultura, suporta sa mga magsasaka at mangingisda, food security, kampanya laban sa smuggling at hoarding, digitalisasyon ng serbisyo ng pamahalaan, edukasyon, at kalusugan. Gayunpaman, sa kabila ng mga ipinahayag na proyekto at pangako, nananatiling mahalagang tanong kung gaano kalaki ang tunay na pagbabago na nararamdaman ng mga Pilipino.

Bilang mamamayan, hindi tayo dapat maging tahimik na tagapakinig lamang. Ang SONA ay may direktang epekto sa ating buhay sapagkat dito nakasalalay ang direksiyon ng mga polisiya at serbisyong ating mararanasan. Dapat nating igiit ang pananagutan sa pamahalaan na sa bawat desisyon nito ay walang ibang dapat manaig kundi ang interes, dignidad, at soberanya ng Pilipinasβ€”ng Pilipino.

Kung kaya, lagi’t laging dapat kondenahin ang anumang anyo ng panunupil, kabilang ang pag-aresto sa mga mapayapang nagpoprotesta, sapagkat ang demokrasya ay hindi lamang nasusukat sa mga talumpati kundi sa paggalang sa boses ng taumbayan. Kaya kaugnay ng mga panawagan, bilang mga iskolar ng bayan na nagmula sa lalawigan ng Bulacan, mariing kinukundena ng UP LAKAN Baguio ang iligal na pag-aresto sa SONA 51 kabilang si Juan Obra, isang manggagawang kultural na nakabase sa Baguio.

Higit sa lahat, dapat nating igiit at panagutin ang pamahalaan na sa bawat desisyon nitoβ€”lalo na sa usapin ng ugnayang panlabas tulad ng Pax Silicaβ€”ay walang ibang dapat manaig kundi ang interes, dignidad, at soberanya ng Pilipinas. Hindi dapat isakripisyo ang kinabukasan ng bansa kapalit ng anumang pansariling o panandaliang pakinabang lamang.

Lebel dapat ang mata ng gobyerno at ng Pilipino. Ang tunay na pagbabago ay hindi nasusukat sa mga pangako ng SONA, kundi sa mga konkretong hakbang at sa mga mamamayang mulat, mapanuri, at matatag na naninindigan para sa bayan.


Maligayang kaarawan, Annah! Nawa'y maging masaya at punong-puno ng pagpapala ang araw na ito! Salamat sa lahat ng tawana...
24/07/2026

Maligayang kaarawan, Annah!

Nawa'y maging masaya at punong-puno ng pagpapala ang araw na ito! Salamat sa lahat ng tawanan natin. Salamat sa pagiging roommate, orgmate, at taga-paalala kung kanino ang mga pinggan sa dorm.

Wishing you all the best in life, higit lalo sa pag-aaral. We love you! πŸ˜˜πŸ’š

Address

Baguio City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP LAKAN Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to UP LAKAN Baguio:

Shortcuts

Share