20/04/2026
PINAGSISIHAN KO ANG MAGPASOLAR!!!
Kamahal naman niyan!
Kelan ko pa ’yan mababawi?
Di bagay ’yan sa amin!
Dati, ’yan mismo ang mga sinasabi ko.
Takot sa mahal na gastos. Iniisip ko luho lang—
para lang yan sa malalaking bahay at mayayaman.
Pero mali pala ako.
Sa totoo lang, mas mahal pala yung wala kang ginagawa.
Buwan-buwan, nagbabayad ako ng kuryente na parang wala namang napupuntahan—labas lang nang labas.
Hanggang napagod na ako!
inintindi kung paano gumagana ang solar,
at doon ko na-realize—hindi siya luho.
INVESTMENT siya.
Nung nakabit na, doon ko nakita yung totoong pagbabago.
Yung bill na dati kinakatakutan ko buksan,
ngayon—malaki na ang binaba.
Mas nagkaroon ako ng control sa konsumo namin.
Hindi na kailangan sobrang tipid na parang laging may kaba.
Kahit tag-init, mas kampante na gumamit ng appliances.
At may backup pa kapag may brownout.
Hindi na hassle tulad dati.
Pinaka-importante sa lahat?
Peace of mind.
Yung pakiramdam na hindi ka na alipin ng pataas nang pataas na singil sa kuryente—
IBA kasi yun!
Makakabawi ba?
Mas mabilis pa sa inaasahan,
lalo na kung marunong kang mag-manage
Ng iyong paggamit.
Kaya ngayon, masasabi ko na…
Pinagsisihan ko ang MAGPASOLAR—
hindi dahil nagkamali ako,
kundi dahil ngayon ko lang ginawa.
Dapat pala, dati pa.