27/08/2026
KAPE AT TINAPAY (Pagkaing espirituwal)
August 27, 2026
Kung May Dahilan, Si Cristo ang Dahilan
1 Corinto 15:58
Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.
Maraming Cristiano ang gustong sumunod kay Cristo, pero kapag dumating na ang pagkakataon na kailangan nang maglingkod at magdisipulo, maraming ng dahilan.
Subukan nating tingnan ang ginawa ni Cristo, mawawala ang marami nating excuses.
Jesus had every reason not to come, yet He came.
He had every reason not to suffer, yet He suffered.
He had every reason to give up, yet He endured the cross.
Bakit? Dahil mahal Niya tayo.
Kung may dahilan tayo para hindi maglingkod, gawin nating dahilan ang ginawa ni Cristo para sa atin.
Kung pagod tayo, alalahanin natin ang Kanyang sakripisyo.
Kung feeling natin hindi tayo capable, alalahanin natin na ginagamit ng Diyos ang mga taong handa sa paglilingkod.
Kung wala tayong panahon, alalahanin natin na ibinigay ni Cristo ang Kanyang buong buhay para sa atin.
Ang discipleship ay hindi para sa mga taong mataas ang tingin sa sarili. It is for people who are willing to follow Christ and help others follow Him dahil hindi tayo iniligtas ni Cristo para maging tagapakinig lamang. We are saved to follow, serve, and make disciples.
Kaya sa halip na sabihin, “Lord, iba na lang,” sabihin natin: “Lord, Ikaw po ang dahilan.
Magtiwala ka!
K-ausapin A-ang P-anginoon E-everyday 🙏
Panginoon, sobra po akong nahihiya dahil magaling lang po ako sa salita. Sa dinami-dami po ng mga pagpapala na Inyong ipinagkakaloob, ganun din po karami ang aking mga excuses. Patawad po Panginoon. Amen.
Para matapos ang buong Biblia.
Day 241 of 365
Basahin: 1 Mga Hari 21; Awit 60; Daniel 8; Pahayag 3