BAKIT PISOWIFI BUSINESS ANG MAGANDANG NEGOSYO NGAYON?
Ang pisowifi ay isang makabagong business na ang konsepto ay parang katulad ng pisonet. Sa negosyo ito, ang iyong produkto ay ang internet connection access. Ito ay maituturing na isang digital product. Isa sa pinaka praktikal at very profitable na produkto na pwedeng ibenta at inegosyo ay ang mga digital products tulad ng i
nternet connection via pisowifi. Heto ang mga kadahilanan kung bakit very praktikal at very profitable ang digital products ng pisowifi business..
1. Hindi ka na pupunta sa market, gagastos at mapapagod para bilhin ang produkto.
2. Hindi ka mauubusan ng stocks. Hindi nabubulok at hindi nasisira ang digital products gaya ng tangible products.
3. Hindi mo ilagagay sa plastic o ikakahon o ipapakage ang produkto kaya wala kang dagdag sa gastos or operational cost at mga overheads.
4. Ang monthly internet at electric bills ay post paid kaya kikita ka muna bago ka gumastos sa pambayad unlike sa tangible products na kailangan mong bilhin muna ang products bago mo ito maibenta at saka ka lang kikita.
5. Ang machine ay self-service kaya hindi ka maiistorbo kapag meron gustong mag konek sa internet nyo at kahit may iba kang ginagawa ay merong nagbebenta para sayo. Ang machine din ay meron sariling sales inventory kaya madali mong malalaman ang kinikita mo araw araw.
6. Kung ikukumpara naman ito sa pisonet at traditional na internet shop, ito ay more than 10X na mas matipid sa start up cost, operational at maintenance cost pero more than 10X ang potential income kaya napakataas ang profit margin.
7. Ayon sa CNN.PH 72 Million out of the 76 Million na Pinoy Internet Users ay gumagamit ng smart phones ngayon kaya ang internet access ay very high in demand at highly consumable dahil nangangailangan ang lahat ng tao ng mabilis na komunikasyon at makapag konek sa social media. Kaya kung meron silang makitang mura at mabilis na pamamaraan para makakonek sa internet ay siguradong hahanap-hanapin nila ito. Ngayon, kung ikaw ay nag iisip ng magandang produkto na pwedeng ibenta at gawing negosyo, ang PisoWifi ang isa sa pinaka praktikal, pinakamura at pinakaprofitable na bisnes na dapat mong subukan...