20/08/2026
ICYMI: 2,000 KAGAY-ANON, LUMAHOK SA IKA-50 NHA PEOPLE’S CARAVAN
Matagumpay na isinagawa ng National Housing Authority ( ) ang ika-50 nitong People’s Caravan sa Brgy. Macabalan Covered Court, Cagayan de Oro, noong Agosto 12, 2026.
Alinsunod sa direktiba ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan nina Region X Officer-in-Charge Engr. Maria Fe C. Pantanosas at Cagayan de Oro/Misamis Oriental/Camiguin District Officer-in-Charge Ar. Maria Madelyn T. Madrid ang caravan na nilahukan ng nasa 2,000 Kagay-anon.
Sa tema nitong “Serbisyong Dala ay Pag-Asa,” layon ng inisyatiba na dalhin ang iba’t ibang programa at serbisyo ng gobyerno at pribadong sektor sa mga benepisyaryo ng pabahay at mga pamilya mula sa mga karatig na komunidad para maghatid ng kaginhawaan sa kanilang buhay.