04/11/2025
π―
πππππ§ π πππππππ ππ‘π π ππ ππ‘πππ‘πππ₯ π¦π π£πππππππ¦ππ‘π¬π’ π‘π πππππ¬ π π’
Hindi lang trabaho ng arkitekto ang gumawa ng magandang bahay.
Kailangan din ang tulong ng mga engineer para masiguro na ang design ay safe, functional, at matibay.
Ibaβt ibang klase ng engineers ang gumagalaw sa likod ng bawat maayos na proyekto.
πππ’πππ§ππ ππ‘πππ‘πππ₯
Sila ang nagco-conduct ng land surveying at boundary checking. Tinitiyak nila na tama ang sukat, elevation, at property lines bago simulan ang design o construction.
Kung mali ang survey data, puwedeng magkaproblema sa layout o sa legal boundaries ng lote.
π¦π§π₯π¨ππ§π¨π₯ππ / πππ©ππ ππ‘πππ‘πππ₯
Sila ang nagti-tiyak na matibay at ligtas ang bahay. Sila ang nagkakalkula ng sukat ng poste, beam, at foundation para kayanin ng bahay ang bigat, hangin, at lindol.
Kahit anong ganda man ng design ng arkitekto, hindi ito magiging totoo kung wala ang tamang structural plan ng engineer.
πππππ§π₯ππππ ππ‘πππ‘πππ₯
Sila ang nagde-design ng electrical layout at loading ng bahay. Sila ang nagko-compute ng loads ng mga ilaw at outlets para maging ligtas sa sunog at walang overload pati short circuits.
Sila rin ang nagti-tiyak na maayos ang power distribution at efficient ang paggamit ng kuryente.
π ππ¦π§ππ₯ π£ππ¨π πππ₯ / π¦ππ‘ππ§ππ₯π¬ ππ‘πππ‘πππ₯
Sila ang nag-aayos ng tubig at drainage system ng bahay. Tinitiyak nila na maayos ang daloy ng tubig, tama ang slope ng linya, at ligtas ang waste disposal.
Maliit na error lang sa plumbing plan ay puwedeng magdulot ng tagas, bara, o amoy sa bahay.
π¦π ππ¨π’π:
Ang maayos na bahay ay hindi lang gawa ng arkitekto β ito ay teamwork ng arkitekto at mga engineers. Bawat isa ay may mahalagang role para matiyak na ang bahay mo ay ligtas, matibay, at tatagal sa panahon.