12/03/2026
"๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ฉ๐๐ฅ๐ ๐๐ค๐จ ๐ง๐ข ๐๐ญ๐." | ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ #๐๐๐
Hello po, 21F here. Manila-based. Actually, ayoko po sanang i-submit ko pero kailangan ko talaga ng outlet.
Baka may makarelate dyan.
So yung ate ko po (24) saka ako, hindi talaga kami super close. May respeto kami sa isa't isa, pero yung genuine bonding bihira. Parang roommates na may shared trauma saka surname. Hahaha.
Last year po, nagaway kami nang malala. Hindi naman ako nagulat since expected ko nang dadating din yung ganto sooner or later.
Hindi ko lang talaga expected na don ko malalaman na mahal pala ako ng ate ko.
Background po, yung away namin nagsimula sa isang comment niya tungkol sa isang desisyon ng magulang namin. Shinare ko opinion ko. Shinare nya din ang kanya. Tapos don na nagsimula yung argument.
Alam niyo yung tipong may topic kayo tapos biglang lumihis na sa original topic yung pinag-aawayan niyo? Yun. Lumabas na yung mga matagal nang naipon. Mga "ikaw kasi palagi," mga "hindi mo naiintindihan."
Like yung mga bagay na matagal mo nang kinikimkim pero pinili mong itago kasi ayaw mong gawing gulo.
Actually, wala pong resolution during that time. Kinuha ko lang yung bag ko, suot tsinelas, tapos alis po ng bahay.
Walang "sige." Walang "bye." Lumabas lang ako.
Naglakad lang ako somewhere, yung walang direksyon. Yung tipong kailangan mo lang ng hangin.
So, napunta po ako sa 7-Eleven sa may kanto ng village namin. Bumili lang ako ng iced coffee, tas tumambay sa bench sa labas. Safe naman kasi hapon pa naman po during that time.
Kinuha ko lang din phone ko sa bag para mag-doom scrolling. Yes, unhealthy coping mechanism po ito. Pero wala talaga kong nagawa kundi libangin sarili ko para di ko maalala yung galit ko sa ate ko.
Tapos nakita ko yung batt level ng phone ko, 3% nalang. Sa isip isip ko, โshet, nasa labas pa naman ako, di pa gumagana charging station dito.โ Buti nasa bag ko lang din powerbank ko.
So habang nagchacharge ako ng phone, kahit nagiscroll lang din sa FB, nagre-replay yung away namin ni ate sa utak ko. Siguro yung mga nasabi ko, yung mga narinig ko sa kanya. Ang bigat isipin.
Napaisip din talaga ko kung mahal ba talaga ko ni ate o roommates lang kami na pareho apelyido.
Siyempre, bilang bunso, masakit isipin kung mahal ka ba ng kapatid mo. Di ko rin naman masagot kung oo o hindi.
Tapos biglang nag-vibrate phone ko sa notif.
Si ate yung nagchat tas binuksan ko agad. Bungad yung message nya na to:
"Nasan ka na? Okay ka lang ba?"
Wala pang sorry. Wala pang "tama ka" o "mali ako." Wala pang explanation. Tanong lang.
Syempre dahil kakaisip ko lang kung mahal ba ko ng kapatid ko, matutulala ka pag nakita mo yung ganong message.
Ginather ko thoughts ko tas kinalma ko sarili ko, tas doon ko narealizeโฆ
Mahal pala ako ni Ate.
Hindi niya kinailangang sabihin. Hindi niya kinailangang hintayin na maging okay muna kami. Nagtext siya. Hinanap nya ako. At yun, yun na po yung sagot sa tanong na matagal ko na tinatanong sa sarili ko.
Hindi ko in-idealize yung nangyari, actually hindi naman naging perfect yung relationship namin going forward after that. Nagsorry din kami eventually saka nagusap.
Hindi ideal yung timeline and duration nung tampuhan namin, pero okay lang kasi now alam ko na.
Alam ko na na kahit minsan, yun lang ang kailangan mo. Yung malaman na kahit sa away, kahit sa tampuhan, kahit sa isang text na kamusta lang, mahal ka ng kapatid mo, ng pamilya mo.
๐ ๐ถ๐ฏ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ, ๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ฉ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐ด๐ต๐ฐ๐ณ๐บ ๐ฌ๐ฐ!
โ 21F, natutulog na okay na ngayon โค