13/01/2026
₱20,000 O ₱1,000,000? Alin ang mas handa mong mawala? 🛑🏗️
Maraming nagtatanong: "Engr, kailangan pa ba talaga ng Structural Analysis? Dagdag gastos lang 'yan, eh!"
Pag-isipan natin: Kung ang budget mo ay ₱1 Million, ang Structural Analysis ay nasa ₱5k - ₱20k lang (0.5% to 2% ng cost).
Sulit bang "makatipid" ng barya, kung ang kapalit ay:
❌ Risk sa buhay ng pamilya.
❌ Pagkasira ng investment mo pag lumindol o bumagyo.
❌ Overspending sa bakal at semento (dahil hula-hula lang ang design).
Ang Goal ng Structural Analysis: Hindi lang ito basta pirma. Layunin ng Engineer na gawing SAFE, Code-Compliant, at ECONOMICAL ang bahay mo. Ibig sabihin, masisiguro na matibay ang bahay pero sa pinaka-matipid na paraan.
Huwag isugal ang kinakabukasan. Tandaan: Hindi porket nakatayo ngayon, safe na habambuhay. Huwag hintayin na lindol ang mag-test ng tibay ng bahay mo. 🏠🛡️
💬 May tanong tungkol sa structural design? Message us or visit mcchconstruction.com.
We specialize in Residential & Commercial construction.