11/08/2026
KAPAG MAULAN SA CONSTRUCTION SITE
Kapag maulan, hindi ibig sabihin na kailangan nang itigil ang lahat ng trabaho sa construction site.
Pero bilang contractor, mahalagang alam natin kung alin ang puwedeng ipagpatuloy at alin ang kailangang ihinto depende sa kondisyon ng panahon at sa safety ng workers.
Sa panahon ng ulan, dapat unahin ang site safety. Kailangang siguraduhing maayos ang drainage upang hindi magkaroon ng water accumulation, lalong-lalo na sa excavation areas. Ang mga construction materials tulad ng cement, plywood, steel bars, electrical materials, at iba pang moisture-sensitive materials ay kailangang maayos na natatakpan at naka-elevate upang maiwasan ang pagkasira.
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng temporary roofing, tarpaulin, barricades, warning signs, at dewatering equipment kung kinakailangan. Ang mga lugar na nagiging madulas o maputik ay dapat bigyan ng kaukulang safety measures upang maiwasan ang aksidente.
Hindi rin lahat ng construction activities ay advisable kapag basa ang site. May mga trabaho na nangangailangan ng dry conditions upang masiguro ang quality ng workmanship at tamang curing o application ng materials. Kaya kailangang marunong mag-assess ang site engineer, foreman, at contractor bago magpatuloy sa trabaho.
Sa construction, hindi palaging “bilisan ang trabaho” ang solusyon. Minsan, ang tamang desisyon ay mag-pause muna, protektahan ang site at materials, at hintayin ang tamang kondisyon.
Dahil ang isang magandang project ay hindi lamang nasusukat sa bilis ng pagkakagawa—kundi sa kaligtasan, kalidad, tamang proseso, at tibay ng resulta.
=====================
Mga Ka-Builders. 👋👷♂️🏠
Kung ikaw ay nag-paplanong magpatayo ng gusali.
Message ka lang sa aming Business Page for your initial project assessment.
At schedule nanatin ang site occular sa lote mo.
And let us start to design & build your dream! 👷♂️🏠🔥