30/10/2026
KAPE AT TINAPAY (Pagkaing espirituwal)
October 30, 2026
Confidence in God, Not in Self.
2 Corinto 3:5
Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Diyos.
Maraming motivational speakers ang nagsasabi, “Believe in yourself. You can do anything if you believe in yourself.”
Pero biblical ba ang ganitong paniniwala?
The Bible teaches us to have confidence, but not confidence in ourselves apart from God. Hindi masama ang maniwala na may kakayahan tayo, pero nagiging problema ito kapag ang sarili na natin ang nagiging ultimate source of strength, wisdom, and success.
Sabi sa Proverbs 3:5 na magtiwala tayo sa Panginoon nang buong puso at huwag umasa lamang sa sarili nating pang-unawa.
Look at Moses. He doubted his ability to speak, but God reminded him that He would be with him (Exodus 4:10–12).
Hindi sinabi ng Diyos kay Moses, “Believe in yourself, you are enough.” Sa halip, ipinakita ng Diyos na ang Kanyang presensya ang magiging sapat na tulong ni Moses sa pagtupad ng kanyang calling.
Ganoon din sa buhay natin. Hindi natin kailangang maging pinakamatalino, pinakamalakas, o pinakakwalipikado para magamit ng Diyos. Ang kailangan natin ay faith in His power, willingness to obey His Word, and dependence on His grace.
Hindi ibig sabihin nito na wala tayong gagawin o hindi na tayo magsisikap. We must work hard, develop our gifts, make wise decisions, and fulfill our responsibilities. But we must recognize that our abilities, opportunities, and strength ultimately come from God.
The biblical message is not simply, “Believe in yourself.” It is, “Believe in God, who is able to work through you.”
Kapag may mahirap na pagsubok, huwag mong itanong lamang, “Kaya ko ba ito?” Mas mabuting itanong, “Panginoon, ano ang nais Mong gawin ko, at paano ako aasa sa Iyo habang ginagawa ko ito?”
Our confidence is not in our perfection, but in God's faithfulness. Hindi natin alam ang lahat, pero kilala natin ang Diyos na may hawak ng ating buhay.
Magtiwala ka!
K-ausapin A-ang P-anginoonq E-everyday 🙏
Panginoon, patawarin Mo ako sa mga pagkakataong mas nagtitiwala ako sa sarili kong kakayahan kaysa sa Iyong karunungan. May my confidence be rooted not in myself, but in Your faithfulness and sufficient grace. In Jesus' name, Amen.
Para matapos ang buong Biblia.
Day 272 of 365
Basahin: 2 Cronica 10; Awit 125; Zacarias 12; Lucas 1