25/09/2024
Ako ay tunay na nagagalak and naproproud sa accomplishment sa buhay ng mga taong nakakapagpundar ng bahay o gusali dahil hindi biro ang dugo, pawis at luha na ipinupundar sa pagpapagawa ng inyong dream house.
Nais ko lang magbigay ng unsolicited advise dahil medyo concerning lang yung ilang parte ng bahay interms sa tibay nito especially against sa mga events tulad ng Lindol. Dahil maaaring malakas man at kayanin man sa ngayon ng structure ang gravity and in-plane forces na maaexperience nito, may malaking chance na hindi nito kayanin ang out-of-plane forces na maaari nitong saluhin dahil alam naman natin na ang earthquake forces na experienced by a structural member ay hindi lamang unidirectional kundi orthogonal and paminsan ay may vertical reaction din.
Hanggat nasa early stage palang tayo ng construction ay sana mahabol natin ang mga ganitong bagay dagil tulad ng nasabi ko ay hindi biro ang investment na ipinupundar natin sa bahay at lalong lalo na walang maitutumbas na halaga pag buhay ang mapinsala.