04/07/2026
๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข, ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ง๐ก๐ข๐ง๐ฒ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐!
Taos-puso naming binabati ang lahat ng miyembro at opisyal ng PSABE PPG UPLB Chapter sa matagumpay ninyong pagtatapos ng inyong paglalakbay sa UPLB.
Nawa'y dalhin ninyo ang kaalaman, kasanayan, at mga aral na inyong natamo hindi lamang upang maging bahagi ng propesyonal na lakas-paggawa, kundi higit sa lahat upang magsilbi at magbigay ng makabuluhang ambag sa ating mga magsasakang Pilipino at sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.
Patuloy sana kayong maging inspirasyon sa inyong kapwa Iskolar ng Bayan na susunod sa inyong mga yapak. Nawa'y magsilbi kayong huwaran ng kahusayan, paglilingkod, at pagmamahal sa bayan.
Muli, taos-pusong pagbati sa inyong tagumpay. Congratulations, graduates! Padayon at mabuhay ang mga Inhinyero ng Agrikultura!