02/08/2026
MATAAS BA ANG BILL NG KURYENTE MO?
Minsan napapaisip ako… Ilang taon na ba tayong nagtatrabaho para lang ipambayad sa electric bill? Ang masakit, habang tumataas ang singil ng kuryente, tayo naman ang nagtitipid. Bawas gamit ng aircon, patay-sindi ng ilaw, laging may kaba kapag darating na ang billing. Pero ang totoo, hindi dapat ganito. Dapat ang pinaghihirapan natin, napupunta sa pamilya, sa negosyo, o sa ipon—hindi nauubos buwan-buwan sa electric bill.
Kaya ginawa namin ang Free Energy Solutions. Hindi lang para magkabit ng solar, kundi para tulungan ang bawat pamilya na magkaroon ng tamang solar system na akma sa totoong konsumo nila. Hindi kami nanghuhula ng package. Kinocompute namin ang actual load, usage, at budget mo para realistic ang resulta at alam mo kung ano talaga ang aasahan.
Marami ang nag-aalok ng solar, pero para sa amin, hindi natatapos ang trabaho pagkatapos ng installation. Mas importante ang after-sales support. Kapag may tanong ka o kailangan ng tulong, may totoong team na sasagot at tutulong sa’yo. Gusto namin na ang investment mo sa solar ay maging maayos, pangmatagalan, at walang sakit sa ulo.
Kung nasa paligid ng ₱10,000 pataas ang monthly electric bill mo, baka panahon na para isipin kung mas gusto mo bang patuloy na ibayad iyon sa electric company… o unti-unti mo nang ilaan sa sarili mong solar system na magbibigay ng matitipid sa mga susunod na taon.
Kung gusto mong malaman kung magkano ang puwede mong matipid at anong solar setup ang bagay sa bahay o negosyo mo, mag-message ka lang.
Free ang consultation at site visit. Walang pressure, usap lang tayo.
Baka ito na ang simula ng huling taon na iindahin mo ang napakataas na electric bill.