17/03/2026
Maging maingat. Huwag lang basta humanap ng affordable na mga aircon services. Humanap kayo ng recommended, Verified o Legit tlga na mga Aircon Services. 👍
Hinoldap umano ang isang babae ng lalaking kabilang sa mga nagpunta sa kanilang bahay para sana maglinis ng air conditioning unit sa General Trias.
Batay sa ulat ng Police Regional Office 4A, nagpa-schedule ang biktima ng paglilinis ng kanyang aircon noong Marso 14. Isa sa mga helper na dumating sa kanilang bahay ang suspek na kinilala sa alyas na Nazario.
Subalit kinabukasan, madaling-araw ng Marso 15, nagulat ang biktima nang makita umano ang suspek sa loob ng kanyang bahay habang bumababa siya sa kusina. Tinutukan pa umano siya ng kutsilyo.
Matapos nito ay mabilis na tumakas ang suspek sa likurang pinto ng kusina, dala ang ilang ari-arian ng biktima kabilang ang mga gadget at pera na tinatayang mahigit ₱30,000 ang halaga.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga barangay patrol at mga imbestigador mula sa General Trias Component City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong robbery.
News source: Manila Bulletin