04/09/2026
Hindi lahat ng appliances, dapat ilagay sa solar.
Sa site assessment, isa sa chine-check namin ay ang actual power consumption ng mga appliances lalo na ang mga high-power appliances tulad ng water pump.
For this particular site, chineck namin ang horsepower ng water pump para malaman kung gaano kalaki ang power requirement nito.
At dito pumapasok ang tamang assessment.
Hindi porke’t solar ang solution, ibig sabihin lahat ng appliances kailangang isama sa solar setup. Sa case na ito, dahil mataas ang consumption ng water pump, recommeded namin na iwan muna ito sa grid kaysa isama sa solar setup.
Why?
Kapag isinama ang high-consumption load sa solar + battery system, maaaring mas malaki ang system requirement at mas mabilis ma-drain ang battery, depende sa actual usage.
Mas practical na gamitin ang solar para sa mga loads na mas akma sa system design.
Kaya bago ka magpa-solar, huwag puro “Magkano?” ang itanong.
Ask:
Ano ang tamang system para sa consumption ko?
Aling appliances ang dapat isama?
Kailangan ba talaga ng battery?
Bagay ba ang setup sa property ko?
Tamang assessment muna bago tamang solar solution.
Thinking about going solar?
Message Power Moves Solar & Security Solutions for a site assessment and consultation.
We don't guess. We assess.