30/01/2025
MATERIAL SOURCING DURING PRE-CONSTRUCTION
Sa simula pa lang ng planning at design, sabihin mo sa architect mo na kumuha ng mga tao na makakatulong mag-source ng materials na pasok sa design at may magandang presyo. Kung hihintayin mo pa ang construction bago maghanap, pwedeng magka-delay at lumaki ang gastos. Kapag maaga itong inaasikaso, mas madaling makahanap ng suppliers na may magandang presyo nang hindi nasasakripisyo ang quality. Mas may oras para mag-canvass at makipag-negotiate para makuha ang best deals at maiwasan ang biglaang gastos sa construction. Bukod dito, kung may kasama na agad na expert sa cost analysis at procurement, mas madaling ma-adjust ang design at specifications para siguradong swak sa budget. Mas magiging smooth ang transition mula planning hanggang ex*****on. Sa huli, ang maagang paghahanap ng tamang suppliers at materials ay nakakatulong para matiyak na matatapos ang project sa tamang oras at budget, habang na-aachieve ang project goals mo.
Comment, send us a DM, or email us at [email protected] if you are the project owner and have any questions or inquiries about your construction project.
Please LIKE and SHARE this page.