12/04/2026
Sa amin pong mga kababayan dine sa Batangas, aba’y talagang hirap na hirap po tayo sa supply ng mga materyales ngayon. Ilang beses na po kaming lumuwas, pudpod na nga po ang tsinelas kakahanap, aba’y wala pa ring maibigay, kainaman!
Kahit gabi na, may mga natawag pa at kami’y napapagalitan—akala’y nagho-hoard kami ng materyales, eh aba’y wala naman po talaga kaming maibigay!
Kaya po, nakikiusap kami sa inyo, pasensiyahan niyo na po muna kung medyo hirap kaming makapagbigay ng quotation sa ngayon. Sa totoo lang po, wala naman po kaming makuha, ganito po talaga ang sitwasyon.
At doon naman sa mga supplier, kung diyan po kayo masaya… eh di sige po!!! Pero tandaan niyo, pag may nakaimbento na tubig na laang ang magpapatakbo ng kuryente at mga sasakyan… aba’y bahala na po kayo!!! 😄
At doon naman po sa mga supplier namin na talaga namang kahusay kausap, at sadyang kami’y iniintindi pa din. Dadalhan ko po kayo diyan ng kapeng barako! Mabuhay po kayo at maraming salamat!!!
Ingat po tayong lahat, at pasensya na po uli. Kakabanas ga ng panahon, laban laang!
Magandang araw po sa inyong lahat!