02/04/2026
Wala pong may kagustuhan na magkaroon ng gera at hindi rin po namin nais tumaas ang presyo ng LPG. Dahil kung tumaas ang LPG, maaaring 𝐦𝐚𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐜𝐮𝐬𝐭𝐨𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐧𝐚 𝐠𝐮𝐦𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐛𝐨 sa pagluluto na magiging kawalan sa aming hanapbuhay.
Kaya po sa unang 25 days ng Marso 𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐠𝐚𝐬𝐜𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐠-𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐢𝐧𝐢𝐥𝐢𝐭 𝐢𝐚𝐛𝐬𝐨𝐫𝐛 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐬𝐭, ngunit nagsabay-sabay na po ang issue na nagkaroon ng force majeure dahilan para ikansela ng aming supplier sa Middle East ang delivery ng LPG, tuloy-tuloy na pagtaas ng krudo, maging ang ibang supplier at shipping lines ay nagtaas na rin ng presyo dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Kaya sana ay maunawan ng ating mga consumers ang sitwasyon ng LPG business sa panahon ngayon at ipagdasal po natin na bumalik na sa normal ang ating pamumuhay.