15/10/2026
3 paraan para paikliin ang housing loan mo.
Kung may housing loan ka,
hindi sapat na nagbabayad ka lang buwan-buwan.
Kailangan may strategy.
Ito ang tatlong practical na paraan.
Una, mag-extra payment sa principal.
Kapag may bonus, sideline,
o extra income ka,
pwede mo itong ipabawas sa principal.
Hindi sa next month.
Hindi sa advance payment.
Dapat malinaw na principal reduction.
Kapag lumiit ang principal,
bababa ang interest na binabayaran mo over time.
Resulta, mas umiiksi ang loan term.
Pangalawa, piliin ang mas maikling term kung kaya.
Halimbawa, instead na 30 years,
pwede kang mag-20 years o 15 years.
Mas mataas ang monthly amortization,
pero mas mabilis kang matatapos.
At ang pinaka-importante,
mas maliit ang total interest na babayaran mo.
Pangatlo, gamitin ang property para kumita.
Kung nasa magandang location ang property mo,
pwede mo itong paupahan.
Kapag may tenant,
may pumapasok na income.
Kahit hindi direktang umiiksi ang term,
nabibigyan ka ng support sa monthly.
Ibig sabihin, hindi ikaw ang full na nagbabayad.
Sa real estate,
hindi passive ang successful buyers.
Minamanage nila ang loan nila.
Kasi ang difference
ng ordinary at strategic buyer,
nasa kung paano nila binabayaran ang utang.