Novadeci Transport Cooperative

Call Directions

Novadeci Transport Cooperative Sa NOVADECI Transport Cooperative, safe ka. Tara na, Sakay na!

KATAPATAN AT INTEGRIDAD, MULING PINATUNAYAN! 👏Muling ipinakita ng ating driver na si Noriel Ybona ng Novadeci Transport ...
16/10/2026

KATAPATAN AT INTEGRIDAD, MULING PINATUNAYAN! 👏

Muling ipinakita ng ating driver na si Noriel Ybona ng Novadeci Transport Cooperative ang tunay na diwa ng katapatan at malasakit sa kapwa.

Matapos niyang mapulot ang isang wallet, tiniyak niyang maibalik ito sa tunay na may-ari. At ngayong araw, matagumpay nang naibalik sa may-ari ang nasabing wallet. 🙏

Ang ganitong simpleng gawain ay may malaking kahulugan. Patunay ito na ang pagiging isang responsableng driver ay hindi lamang nasusukat sa maayos na pagmamaneho, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng mabuting puso, integridad, at malasakit sa kapwa.

Saludo kami sa iyo, Noriel! 🫡

Ikaw ay isang magandang halimbawa ng katapatan na nararapat tularan. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang iyong ginawa sa ating mga kapwa driver at sa buong komunidad.

NOVADECI TRANSPORT COOPERATIVE
Serbisyong may malasakit, katapatan, at integridad!




KATAPATAN NA DAPAT IPAGMALAKI! 🫡👏Isang pagpupugay kay Sir NORIEL YBONA ng Novadeci Transport Cooperative sa pagpapakita ...
09/10/2026

KATAPATAN NA DAPAT IPAGMALAKI! 🫡👏

Isang pagpupugay kay Sir NORIEL YBONA ng Novadeci Transport Cooperative sa pagpapakita ng katapatan at malasakit sa kapwa matapos maisauli ang cellphone na napulot niya at pag-aari ng isa nating pasahero.

Ang ganitong simpleng kabutihan ay patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa ligtas na pagdadala sa ating mga pasahero sa kanilang destinasyon, kundi pati na rin sa pagiging tapat, responsable, at may malasakit sa bawat isa.

Maraming salamat, Noriel Ybona! Ipinagmamalaki ka ng buong Novadeci Transport Cooperative. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang iyong ginawa sa ating mga kapwa driver at sa buong komunidad. ❤️




30/04/2026

ANUNSYO: UPDATE UKOL SA FUEL SUBSIDY (MASTER LIST RECONCILIATION)
Petsa: Abril 30, 2026

Sa ating mga minamahal na member-operators,

Nais naming ipabatid na ngayong araw, Abril 30, 2026, ay nakatanggap ang ating kooperatiba ng pinakabagong Master List mula sa LTFRB NCR para sa Fuel Subsidy.

Dahil dito, ang ating pamunuan ay kasalukuyang nagsasagawa ng masusing reconciliation o pagbabangga ng mga listahan. Ginagawa po natin ito upang:

Matukoy nang malinaw kung sino-sino sa ating mga operators ang may pondo na sa kanilang cards.

Maitala ang mga pangalan na wala pa sa listahan upang agad nating maireport at mailapit sa LTFRB.

Masiguro ang patas at maayos na distribusyon alinsunod sa kautusan ng ahensya.

PAALALA:

Hinihiling po namin ang inyong malawak na pang-unawa at kaunting pagtitiis (patience) habang tinatapos ang prosesong ito.

Ang pagiging maingat sa pag-verify ng listahan ay paraan natin upang maiwasan ang anumang pagkakamali o aberya sa inyong subsidy.

Muli kaming maglalabas ng pinal na abiso para sa schedule ng disbursement sa lalong madaling panahon.

Para sa mga katanungan, maaari po kayong mag-message sa ating Official FB Page o tumawag sa ating mga hotlines.
0917-703-8836 (GM Mark)
0915-4858-669 (Rowell)

Maraming salamat sa inyong patuloy na kooperasyon.

ANG PAMUNUAN
NOVADECI Transport Cooperative (NTC)

OFFICIAL ADVISORY: FUEL SUBSIDY DISBURSEMENTNais naming ipabatid sa lahat ng ating mga operators na simula ngayong lingg...
27/04/2026

OFFICIAL ADVISORY: FUEL SUBSIDY DISBURSEMENT
Nais naming ipabatid sa lahat ng ating mga operators na simula ngayong linggo ay available na para sa disbursement ang Fuel Subsidy mula sa pamahalaan. Ang tulong na ito ay inilaan bilang assistance sa public transport sector upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng diesel dahil sa gulo sa Middle East.

📌 MAHAHALAGANG PAALALA:

✅ PARA SA MGA NASA MASTER LIST:
Ang mga kabilang sa official list ay aming aabisuhan/ite-text kung kailan ang inyong eksaktong schedule ng pagkuha ng subsidy. Mangyari lamang na maghintay ng kumpirmasyon bago pumunta sa opisina.

⚠️ PARA SA MGA WALA SA LISTAHAN O MAY ISYU:
Kung kayo ay:

Hindi nakatanggap ng abiso o wala sa master list;

Walang pumasok na subsidy sa inyong Pantawid Pasada Card;

Maaari po kayong tumawag o mag-text sa numerong:
📞 0917-703-8836 (GM Mark) 0915-485-8669 (Rowell)
O mag-iwan ng mensahe (Direct Message/PM) dito sa ating Official FB Page.

📝 ANG ATING AKSYON:
Ang lahat ng inyong concerns ay aming itatala at idudulog sa pamunuan ng LTFRB upang mabigyan ng kaukulang linaw at solusyon.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

📢 Good news, commuters!Mas abot-kaya na ang biyahe!💸 Minimum Fare: ₱12.00🎓 Discounted Fare: ₱9.00 (Student / PWD / Senio...
23/04/2026

📢 Good news, commuters!
Mas abot-kaya na ang biyahe!

💸 Minimum Fare: ₱12.00
🎓 Discounted Fare: ₱9.00 (Student / PWD / Senior)

🛣️ Ruta: Malinta – Novaliches (Modern Jeep)

🗓️ Available ang promo Monday to Friday only
🚌 Hatid namin kayo sa ligtas at abot-kayang biyahe!

Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB
Department of Transportation - Philippines

📣 Good day, mga Ka-NOVADEC TCI!Inaanyayahan ang lahat ng Members in Good Standing (MIGS) sa ating 5th General Assembly M...
23/04/2026

📣 Good day, mga Ka-NOVADEC TCI!
Inaanyayahan ang lahat ng Members in Good Standing (MIGS) sa ating 5th General Assembly Meeting.

🗓 April 25, 2026 | ⏰ 1:00 PM
📍 Novadeci Convention Center

📌 Paalala: Tanging ang mga MIGS lamang ang maaaring dumalo at makilahok.
Kita-kits po tayo!

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎𝘍𝘶𝘦𝘭 𝘚𝘶𝘣𝘴𝘪𝘥𝘺 𝘗𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮Panawagan sa lahat ng mga Transport Service Entities (TSEs) ng mga Traditional Publi...
22/04/2026

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
𝘍𝘶𝘦𝘭 𝘚𝘶𝘣𝘴𝘪𝘥𝘺 𝘗𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮

Panawagan sa lahat ng mga Transport Service Entities (TSEs) ng mga Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) na hindi pa nakapagsusumite ng kanilang listahan ng mga driver para sa Fuel Subsidy Program.

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatroy Board (LTFRB) ang mga nasabing TSES na sumunod sa itinakdang reporting requirement at isumite ang kumpletong listahan ng kanilang mga driver sa pamamagitan ng Excel file na naglalaman ng sumusunod na impormasyon ng bawat driver:

- Name
- Date of Birth
- Plate Number
- Ruta

Maaaring ipadala ang nasabing listahan sa email address na [email protected]

Ang listahang ito ay mahalaga upang makapagbigay ang LTFRB ng kinakailangang tulong at suporta sa inyong mga driver. Dahil dito, ang agarang pagtupad sa nasabing kautusan ay lubos na hinihikayat.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.



𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
𝘍𝘶𝘦𝘭 𝘚𝘶𝘣𝘴𝘪𝘥𝘺 𝘗𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮

Panawagan sa lahat ng mga Transport Service Entities (TSEs) ng mga Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) na hindi pa nakapagsusumite ng kanilang listahan ng mga driver para sa Fuel Subsidy Program.

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatroy Board (LTFRB) ang mga nasabing TSES na sumunod sa itinakdang reporting requirement at isumite ang kumpletong listahan ng kanilang mga driver sa pamamagitan ng Excel file na naglalaman ng sumusunod na impormasyon ng bawat driver:

- Name
- Date of Birth
- Plate Number
- Case Number

Maaaring ipadala ang nasabing listahan sa email address na [email protected]

Ang listahang ito ay mahalaga upang makapagbigay ang LTFRB ng kinakailangang tulong at suporta sa inyong mga driver. Dahil dito, ang agarang pagtupad sa nasabing kautusan ay lubos na hinihikayat.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.



📢 OFFICIAL ANNOUNCEMENTFiling of Candidacy for CY 2026Inaabisuhan ang lahat ng miyembro ng Novadeci Transport Cooperativ...
07/04/2026

📢 OFFICIAL ANNOUNCEMENT
Filing of Candidacy for CY 2026

Inaabisuhan ang lahat ng miyembro ng Novadeci Transport Cooperative na bukas na ang paghahain ng kandidatura para sa mga bakanteng posisyon sa darating na halalan.

🗓️ April 7–13, 2026
📍 NTC Office, Novadeci Convention Center

Ang lahat ng kwalipikadong miyembro ay hinihikayat na lumahok at maglingkod para sa ikauunlad ng ating kooperatiba.

🎉 5th General Assembly na!Sama-sama tayong muling nagtipon para sa mas matibay at mas maunlad na Novadeci Transport Coop...
02/04/2026

🎉 5th General Assembly na!
Sama-sama tayong muling nagtipon para sa mas matibay at mas maunlad na Novadeci Transport Cooperative!
Salamat sa inyong aktibong pakikilahok! 💙🚍

MAHALAGANG ANUNSYO: UPDATE UKOL SA FUEL SUBSIDY 2026 Sa lahat ng ating mga minamahal na member-operators ng Novadeci Tra...
02/04/2026

MAHALAGANG ANUNSYO: UPDATE UKOL SA FUEL SUBSIDY 2026

Sa lahat ng ating mga minamahal na member-operators ng Novadeci Transport Cooperative

Ipinapaalam po namin na opisyal nang natanggap ng ating Kooperatiba ang pondo para sa fuel subsidy mula sa DOTr - LTFRB. Ito ay alinsunod sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang tulong sa sektor ng transportasyon sa gitna ng mataas na presyo ng krudo.

Alam po namin na ang lahat ay naghihintay na sa pamamahagi ng pondong ito. Upang masiguro ang maayos, tapat, at tamang distribusyon, narito po ang ating mga paalala:

1. Pag-verify sa mga Pantawid Pasada Card.
Ayon sa LTFRB, mayroong bahagi ng subsidy na direkta nang pumasok sa mga Pantawid Pasada Card ng ilang operators. Dahil magkakaiba ang halagang pumasok sa bawat account, kasalukuyan pang nakikipag-ugnayan ang Kooperatiba sa LTFRB upang makuha ang Official Master List of Claimants.

2. Pagkolekta ng Datos at Rekonsilyasyon.
Upang matukoy natin kung sino na ang nakatanggap at sino pa ang hindi, magsasagawa po ang Kooperatiba ng internal audit. Kukunin namin ang lista ng mga member-operators na mayroon Pantawid Pasada Card subalit walng pumasok na halaga (Php 5,000.00)

Pinakikiusapan ang lahat ng operators na WALANG PUMASOK NA SUBSIDY SA KANILANG PANTAWID PASADA CARD na sagutan ang ating Fuel Subsidy Status Form sa link na ito:
https://forms.gle/r78e76hc8sUakTjv8

3. Katapatan sa Pagbibigay ng Impormasyon.
Hinihiling po namin ang inyong katapatan sa pagsagot sa form. Ang lahat ng inyong ilalagay na impormasyon ay itatapat (cross-reference) sa official master list na ilalabas ng LTFRB.Ang pagbibigay ng tamang datos ay makakatulong upang mapabilis ang proseso at masiguro na ang pondo ay mapupunta sa mga hindi pa talaga nakakatanggap.

4. Iskedyul ng Distribusyon.
Ang aktwal na pamamahagi para sa mga wala pang natatanggap sa card ay magsisimula LAMANG kapag natapos na ang pagtutugma ng ating records at ng master list ng gobyerno. Ipo-post po namin ang detalyadong iskedyul at mga requirements sa mga susunod na araw.

Maraming salamat sa inyong pasensya at kooperasyon habang sinisiguro natin na ang bawat miyembro ay makakakuha ng tulong na nararapat para sa kanila. Para sa tuluy-tuloy na serbisyo at pagkakaisa,

-ANG BOARD OF DIRECTORS at MANAGEMENT
Novadeci Transport Cooperative

MGA OPERATORS NA WALANG PUMASOK NA SUBSIDY SA PATAWID PASADA CARD

Address

Buenamar Corner Sarmiento Street, Novaliches, Quezon City
Llano
1123

Telephone

+639177038836

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Novadeci Transport Cooperative posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby engineering companies