09/06/2026
Tips na Kaalaman sa pagpapakabit ng Air Conditioner:
Ang pagpili at pagkabit ng air conditioner ay nangangailangan ng pagsasaalang-alang sa sumusunod,
1. sukat ng kwarto,
2. kapasidad ng unit (HP o BTU),
3. electrical load o boltahe, at
4. tamang pwesto upang maiwasan ang mataas na konsumo sa kuryente at
5. masiguro ang matagal na buhay ng appliance.
Mahalagang suriin ang mga sumusunod bago magpakabit:
1. Sukat at Lokasyon ng KwartoLaki ng Kwarto:
Sukatin ang haba, lapad, at taas (ceiling height) upang malaman ang tamang Cooling Capacity.
Ang sobrang liit na aircon para sa malaking kwarto ay magtatrabaho nang sobra at tataas ang konsumo.
Dami ng Tao: Ang init na dala ng tao ay kailangan i-compensate ng aircon.Araw at Init: Ang kwartong nasisikatan ng araw o nasa pinakaitaas na bahagi ng bahay ay nangangailangan ng mas malakas na aircon.Mga Appliances: Ang mga TV, computer, o kalan ay naglalabas din ng init.
2. Kapasidad ng Aircon (HP / BTU)Para sa tamang sukat, kumonsulta sa JERAN Aircon Trading and Engineering Services o iba pang eksperto upang malaman kung ilang Horsepower (HP) o British Thermal Unit (BTU) ang angkop sa iyong espasyo.
3. Sistema ng Elektrisidad Boltahe:
Siguraduhin kung 230V ang saksakan mo, lalo na para sa mga mas malalaking unit.
Dedicated Circuit: Para sa split-type aircons, mas mainam na may sarili silang circuit breaker para sa kaligtasan.
4. Lokasyon ng Indoor at Outdoor UnitsIndoor Unit:
Ilagay sa lugar na may maluwag na daluyan ng hangin at hindi direktang natatamaan ng init. Iwasang ilagay sa ibabaw mismo ng k**a, upuan, o appliances.Outdoor Unit:
Dapat nasa maaliwalas at tuyong lugar. Iwasan ang mga lugar na direktang naiinitan ng araw o nababagsakan ng dumi.
5. Uri ng Aircon (Split-type vs. Window-type)
Ang Window-type ay mas madali at mas mura i-install, ngunit ang Split-type ay mas tahimik at mas angkop sa modernong disenyo ng bahay.
Kung plano mong magpakabit, tell us:
Anong uri ng aircon ang balak mong ikabit (Window-type o Split-type, Floor Mounted)?
Ilang Horsepower (HP or TR) ang unit?
Makakatulong kami dito sa sa business page na bigyan ka ng listahan ng mga maaasahan sa tamang accredited installer sa iyong lugar. 🙏
Hotline: 09483196638/ 09478900153
Email: [email protected]
🙏