30/08/2026
Saan Talaga Galing ang LPG? 🔥
Kapag gumagamit tayo ng LPG, madalas ang focus natin ay nasa tank, regulator, piping, burner, at safety.
Pero naisip mo na ba kung saan talaga nagsisimula ang LPG bago ito makarating sa atin?
Ang LPG ay primarily composed of propane and butane, at ang mga ito ay mainly recovered from two major sources:
🔹 Natural Gas Processing
Sa processing ng natural gas, nase-separate ang propane at butane mula sa ibang hydrocarbon components.
🔹 Crude Oil Refining
Sa refinery, ginagamit ang fractional distillation para paghiwalayin ang iba't ibang hydrocarbon fractions based on their boiling characteristics. Kasama rito ang light hydrocarbons such as propane and butane.
🇵🇭 Sa Pilipinas, mahalaga ring malaman na malaking bahagi ng ating LPG supply ay galing sa importation, dahil hindi sapat ang domestic production para sa buong demand natin.
From source → processing/refining → storage → distribution → end-use, bawat stage ay may sariling engineering, operational, at safety considerations.
This is LPG Knowledge #2.