11/07/2026
Sabi ng ilan, wala daw magandang kinabukasan kapag construction worker ang iyong nakatuluyan???
Sa aming palagay hindi totoo yan. Kung tutuusin mas malaki pa nga kinikita nila kompara sa ibang naka uniporme ng maganda diyan. Sila din yung mga tipo ng taong ang sarap turuan kasi nakikita mo sa kanilang mga mata yung kagustuhan nilang matuto ng bagong kaalaman.
Wala man silang diploma na maisabit sa kanilang tahanan, unti-unti naman silang nagkakaroon ng mga certipikasyon na nagpapatunay ng kanilang karunungan.
Another TESDA Certification PASSED. Congratulations Lixxer Welders for passing SMAW National Certificate Level 2.