20/08/2026
COMPARATIVE RATES: JULY–AUGUST 2026
Nais po naming ipaalam sa aming mga minamahal na konsyumer na nagkaroon ng Php 0.91/kWh na pagtaas sa presyo ng kuryente ngayong August billing month sa Php 13.28/kWh dahil sa mas mataas na singil sa Generation Charge, Transmission Charges (Ancillary Charges) at Government Charges (FIT-All).
Ang mga nabanggit na singil ay mga pass-through charges na kinokolekta ng OEDC at direktang ibinabayad sa mga power suppliers, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at mga kaukulang ahensya ng gobyerno.
Samantala, ang Distribution Charge ng OEDC ay nananatiling Php 1.1210/kWh at hindi pa nagbabago mula pa noong 2018.
Para sa mga katanungan o paglilinaw tungkol sa inyong bill sa kuryente, maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming opisina.
Maraming salamat po.