26/08/2026
Hindi lahat ng "classrooms" sa Pilipinas ay "concrete"; marami pa rin pong "makeshift".
Hindi lahat ng classrooms sa Pilipinas ay mayroong dalawang pinto; marami pa rin po yung iisa lang ang pinto, minsan wala rin pong pinto.
Hindi lahat ng classrooms sa Pilipinas, iisang section lang ang gumagamit; marami pa rin po ang hinahati ang isang classroom para magkasya ang dalawang sections.
Hindi lahat ng classrooms sa Pilipinas may maayos na comfort rooms; minsan po ay common CRs lang, minsan din ay pilit na CR lang po na maliit na pinagawa para lamang may matawag na CR.
Hindi lahat ng classrooms sa Pilipinas may bintana; minsan saradong-sarado, minsan naman ay open-air lang kasi naubos na po yung mga glass at jalousie windows.
Hindi lahat ng classrooms sa Pilipinas may tuyo; minsan lubog sa tubig, minsan tumatagos din ang araw at ulan sa mga butas-butas na yero at bubong.
Hindi rin lahat ng classroom sa Pilipinas ay "safe"; minsan kasi kahit na Marcos type pa, or "to be condemned" na yung status, ginagamit pa rin kasi walang choice.
Hindi rin lahat ng classroom sa Pilipinas ay "completed"; minsan kasi "inspected and completed" sa papel pero walang doorknob, may saksakan at switch nga pero wala namang wire pala sa ilalim ng tubo, kulang sa semento, kulang sa ilaw at electric fan, may gripo pero walang water source, at iba pa—paminsan-minsan nga poste lang tapos hindi na binalikan.
Hindi rin lahat ng classroom sa Pilipinas ay kay DepEd; minsan, iba pala ang may-ari ng lupa, kaya napaalis si DepEd, tapos ginawang private na property na yung mga classrooms, naging resort at hotel pa nga—yung iba naman, pinabayaan na lang hanggang sa naging ala-ala nalang na minsan dun ay may isang paaralan.
Pero kahit ganun, hindi man lahat ng classrooms ay okay; tuloy-tuloy lang ang pasok, tuloy-tuloy lang ang pag-aaral.
Iba-iba man ang mga pinaghuhugutan ng mga g**o, ng mga bata, ng mga magulang - hangga't may g**o na pumapasok sa school, laging may mag aaral na umaasang matutupad ang kani-kanilang mga pangarap.
Hindi po lahat ng classrooms sa Pilipinas ay ganito, mas maraming classrooms pa rin ang nasa mas maayos na kalagayan.
Pero tandaan sana natin na sa Department of Education, "No student should be left behind".