16/09/2023
CONSTRUCTION WORKER: Sir kami po ang nagpapakahirap para kumita kayo. Kami din po ang gumagawa ng lahat ng project nyo, kami ang nag aasinta, nagpapalitada, nagbubuhos, nagpipintura, lahat kami ang gumagawa jan. Kung wala kami sir hindi ka kikita at di uusad ang mga project natin. Kami ang nagtyatyaga sa initan habang kayo ay nasa kotye o di kaya seating pretty sa office nyo.
CONTRACTOR : Tama naman lahat ng sinabi mo, kung wala kayo hindi namin magagawa ang mga project natin. Napakahirap ng trabaho nyo bilang mga worker. Kayo ang nasa initan para lang matapos ang project, alam namin lahat yun.
Pero gusto ko din malaman mo ang side namin bilang owner ng kumpanya, kami ang sumusugal sa contratang walang kasiguraduhan kung kikita ba o hindi. Kahit lugi na kailangan namin tapusin ang project dahil nakapirma kami. Kahit lugi na kailangan namin kayo pasahurin kasi inaalala namin na may pamilya din kayong binubuhay.
Hindi lang yan, kami din ang mananagot kapag may nangyari sa inyo dahil alam naman natin na delikado ang trabahong construction.
Pananagutan din namin na mag hanap ng project para tuloy tuloy ang trabaho nyo at hindi kayo mawalan ng trabaho. Kami din ang mag aabono kapag hindi pa tayo nakakasingil. Bukod pa yung mga Permits sa munisipyo at Contractor License license na kailangan para sa negosyo. Andyan din ang mga tax na kailangan bayaran.
Kami din ang malulugi kung dadayain ang oras ng pasok at oras ng OT. Kami din ang malulugi kung may mawawalang materials o tools sa project . Kami din ang haharap sa owner at sasalo ng sermon kapag delay na ang schedule. Kami din ang mag cocompute hanggang madaling araw ng lahat ng nagastos sa project para malaman kung kumikita paba, habang kayo ay nagpapahinga na.
YES, mahihirapan kami kung wala kayo, pero hindi dahil wala kayo ay susuko na kami at hindi na hahanap ng kapalit, dahil gaya nga ng sinabi ko kanina, kami ang sumusugal sa project, kaya manalo o matalo man, tatapusin namin ang project as long as walang breached of contract.
Pag-pasensyahan nyo sana kami kung minsan ay mainit ang ulo namin, siguro dahil napakarami din naming dinadala sa isip na kung minsan nagiging dahilan na di kami nakakatulog.
Lesson: Lahat tayo ay may kanya kanyang purpose, let's do our best in everything we do 🤝
Ika nga, as long as marangal ang trabaho mo, dapat ipagpasalamat mo sa itaas..
Malay mo construction worker ka ngayon, pero balang araw magiging contractor ka din pala at ikaw naman ang makakaranas ng lahat ng problema ng isang contractor.
Script ©️ Pinoy Contractor
If you are a contractor follow us at fb.com/pinoycontractor
Photo not mine: CTTO