19/09/2025
🚨📢 PANAWAGAN NG UNITED PEOPLE’S INITIATIVE
📍 ANO?
PANALANGIN at PAGBABANTAY SA KATARUNGAN AT KATOTOHANAN
Mapayapang Protesta ng Sambayanang Pilipino Kontra Kurapsyon
🗓️ KAILAN
Linggo, Setyembre 21, 2025
🕗 Assembly Time: 7:00 AM
📅 Tatlong Araw na Tuloy-tuloy na Vigil: Set. 21–23, 2025
📌 SAAN
Harap ng Gate 6, Camp Aguinaldo, Bonny Serrano Ave., Quezon City
👥 SINO ANG INAANYAYAHAN?
LAHAT NG PILIPINO NA NAGMAMAHAL SA BAYAN.
Indibidwal o grupo, anumang paniniwala, partido, relihiyon, tribu, kultura, sektor, hanapbuhay o katayuan sa lipunan.
Iisa ang sigaw:
✊ Laban sa Kurapsyon!
✊ Katotohanan at Katarungan!
🎯 TEMA
MAPAYAPANG LABAN KONTRA SA KURAP NA GOBYERNO
• Walang Dahas
• Walang Pulitikang Sigawan
• Walang Karatula ng Partido o Personalidad
👉 Isang TUNAY NA PEOPLE’S INITIATIVE na iginarantiya ng ating Konstitusyon.
⸻
⚠️ MAHALAGANG PAALALA
☔ Tuloy ang programa—ulan man o baha.
🚫 Bawal magbigay o manghingi ng pera.
✅ Maaari magbigay ng:
• Pagkain, tubig, inumin
• Mobile sound system (na may generator)
• Malalaking megaphone
• Disposable raincoats
• Volunteers: singers, comedians, entertainers
🎒 Magdala ng: sariling pagkain, kapote/garbage bag, at ekstrang damit, Bandilang Pilipino, Kandila.
🚫 Mahigpit na ipinagbabawal ang baril, patalim, o anumang nakamamatay.
⸻
🙏 PANAWAGAN SA BAYAN
• Mag-imbita at magsama ng iba: kabataan, estudyante, manggagawa, MUP.
• Mga OFW: Hikayatin ang inyong pamilya at kaanak na makiisa.
• Ipalaganap ang panawagan na ito—online man o personal—hanggang milyon ang dumalo, ayon sa hiling ng ating mga kapatid sa hanay ng pulis at sundalo.
⸻
🇵🇭 ✊ ITO ANG TUNAY NA PEOPLE’S INITIATIVE.
🇵🇭 ✊ MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
🇵🇭 ✊ MABUHAY ANG BAGONG HENERASYON!
🇵🇭 ✊ MABUHAY ANG PILIPINAS!