11/07/2022
Good day business partners!
Malungkot po namin kayong inaabisuhan na wala hong nakakadaan sa nlex ngayon sa kadahilanang malaki ho ang pinsala sa ibaba ho ng Candaba - Nlex Via duct kaya nilimitahan po ang bigat na maaring ikarga ho naten at limitado nadin po ang pwedeng pumasok na naayon sa tamang bilang gulong.
Nag bigay po ng alternatibong daan ang Nlex Corporation na maaring daanan po ng mga truck na meron mas mabigat na karga na lampas sa 33 Tons GVW o mas maraming gulong na ipinapatupad ng Nlex Corporation, subalit ito ho ay may layo na 134km - 150km at inaasahang mabigat ang daloy ng trapiko sa rutang ibinigay ng Nlex dahil sinubukan po namen maghanap ng ibang rutang maaring daanan po ng mga Cargo Truck/Dump Truck po naten at ang tanging ibinigay na daan ng Nlex ang siyang natitirang possibleng daanan po at wala ng iba o posiblemg ruta pa.
Bakit hindi namen sundan ang 33GVW at gawing 10 Wheeler ang mga truck?
Upon proper computation po, considering additional mga expenses po tulad ng diesel at additional maintenance if ever iikot po ang mga truck e almost the same lang po ang prices kung babawasan po namen ang karga at the same time kung iikot din po ang truck dahil mababawasan po ang karga at iisa lang padin ho ang konsumo ng krudo ng truck.
Inaasahang medyo malake ang pag increase ho ng mga presyo ng Chb, Sand, Gravel and Vistay lalo na ho sa sitwasyon ngayon. Kame po na supplier po galing pampanga ay kabilang sa isang samahan o asosasyon kung saan kame ho ay sumusunod lamang sa isang presyo at kung susubukan nyo naman pong maghanap ng ibang supplier asahang iisa lang din ho ang presyong ibibigay sainyo.
Ang mga pangyayaring ito ay hindi po naten lahat kagustuhan at asahang bababa padin po ang presyo naten as soon as makahanap po ng mas malapit na alternatibong daan o kapag bumaba ho ang diesel. Asahan po ninyo na medyo magalaw po ang presyo nga mga produkto po naten dahil sa sitwasyon po naten ngayon. Magandang araw po ulet and God bless us all!
3RRR ENRIQUEZ/ RJVM Concrete products
09471853362
Source link:
https://www.facebook.com/336841361643/posts/10158557664956644/