02/05/2024
Tips para sa mga gusto at interesadong gumamit ng AIRCON..
Sa sobrang init ng panahon ngayon ang pagkakaroon ng aircon ay isang malaking benepisyo para maibsan ang init na dinadanas natin ngayon.
Unang una hindi ka dapat basta bili lang ng bili, kelangan mong ipasurvey ang area mo para ng sa ganun tama ang capacity or HP ng aircon na mabibili mo..
Marami kasi ang dapat isa alang alang sa pagpili ,una SIZE NG FLOOR AREA MO, MATAAS BA O MABABA ANG CEILING, DIRECT SUNLIGHT BA ANG PAG LALAGYAN, ILAN ANG APPLIANCES SA PAGLALAGYAN NG AIRCON, ILAN ANG TAO NA MAGOOCCUPY SA AREA ..
Kapag tama ang capacity or HP ng aircon na nabili siguradong makukuha mo ang benepisyong nais mo..
At dahil mataas ang singil sa kuryente ngayon mas maigi kung INVERTER ang bibilhin mo dahil di ito malakas kumunsumo ng kuryente,..
Makukuha mo naman ang benepisyo ng INVERTER kapag ginamit mo ito in longer hours..kapag tumakbo na ang compressor nito ,aandar sya mula sa mababang amperahe pataas ng dahan dahan hanggang maabot nya ang kanyang RATED RUNNING APMPERE which is mas mababa din kesa sa mga NON- INVERTER.. kapag naabot n nya ang desired temperature na sinet mo,hindi mag ooff ang compressor sa halip tatakbo sya in minimal to maintain ung temperature na sinet mo, dun ka ngaun mkakasave..
Hope this will help🙂