21/08/2026
TRIVIA TIME! ποΈπ
Ano ang Cross-Hole Sonic Logging (CSL) Testing?
Ang Cross-Hole Sonic Logging (CSL) ay isang non-destructive testing method na ginagamit upang suriin ang integridad at kalidad ng concrete sa loob ng deep foundation piles, partikular sa bored piles.
π Paano ginagawa ang CSL Test?
1οΈβ£ Pag-install ng Access Tubes
Bago mag-concrete, inilalagay ang CSL access tubes sa loob ng reinforcement cage ng pile.
2οΈβ£ Pagpuno ng Tubes ng Tubig
Pinupuno ng tubig ang access tubes upang magsilbing medium para sa ultrasonic signals.
3οΈβ£ Pagpasok ng CSL Probes
Ibinababa ang ultrasonic transmitter at receiver probes sa loob ng magkahiwalay na tubes.
4οΈβ£ Pagkuha ng Ultrasonic Data
Ipinapadala ang ultrasonic signal mula sa transmitter papunta sa receiver habang sabay na inaakyat ang probes sa iba't ibang depth ng pile.
5οΈβ£ Pagsusuri ng Resulta
Sinusuri ang travel time, signal strength, at waveform upang matukoy ang posibleng voids, honeycombing, inclusions, cracks, o iba pang concrete anomalies.
π‘ Sa madaling salita:
Tinutulungan ng CSL na malaman kung maayos, continuous, at sound ang concrete sa loob ng bored pileβnang hindi kailangang sirain ang pile.
ποΈ Quality na hindi nakikita sa surface, kayang masuri gamit ang CSL!
Equipment Used: Pile Dynamics, Inc. (PDI)
π© [email protected]
π 0920 248 6651