11/11/2025
https://www.facebook.com/share/1MbcKYyaDR/
𝐌𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐡𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐞𝐭𝐫𝐨 𝐂𝐞𝐛𝐮?
Ayon sa topography ng Cebu, ang mga lugar na labis na naapektuhan ng pagbaha ay Mandaue, Guadalupe, Talisay, at Liloan. Ang mga lugar na ito ay dinadaluyan ng Butuanon, Guadalupe, Arrabal, at Mananga Rivers na umaagos patungong silangang bahagi ng Cebu.
Samantala, ang Carmen Copper Corporation (CCC) ay matatagpuan sa Toledo City, sa kanlurang bahagi ng Cebu. Ang tubig mula rito ay dumadaloy sa Hinulawan River, na umaagos patungong kanlurang dagat ng Cebu, malayo sa mga ilog na nagdulot ng pagbaha sa Metro Cebu.
Batay sa kasalukuyang datos at mapa, hindi direktang konektado ang Carmen Copper Corporation sa mga ilog ng Mananga at Butuanon, na siyang pangunahing sanhi ng pagbaha sa Metro Cebu.
Ang Mananga at Butuanon Rivers ay may watershed na nakaharap sa silangang bahagi ng isla, patungo sa Cebu Strait, kaya’t ang tubig at sediment mula sa Toledo side ay hindi dumadaloy papunta sa mga urban rivers ng Metro Cebu.
Sa madaling sabi:
Ang mga pagbaha sa Metro Cebu ay dulot ng pagkipot ng mga ilog, basura, baradong tulay, at kawalan ng disiplina sa pagtatayo ng mga imprastraktura sa gilid ng mga daluyan ng tubig.
Noong 2001, ang Mananga River ay may lawak na humigit-kumulang 75 metro, ngunit ngayon ay may bahagi na lamang itong 20 metro dahil sa mga bahay at istrukturang itinayo sa gilid nito. Nabawasan ang kapasidad ng ilog, kaya tuwing may bagyo, agad itong umaapaw.
Hindi lang ito problema ng DPWH o lokal na pamahalaan — ito ay responsibilidad nating lahat.