20/04/2026
𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍! 𝟏𝟎𝟎% 𝐃𝐈𝐒𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐔𝐑𝐘𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝟒𝐏𝐒 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒 𝐀𝐓 𝐋𝐎𝐖-𝐈𝐍𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄𝐇𝐎𝐋𝐃𝐒! 💡
REPUBLIC ACT 11552: EXPANDED LIFELINE RATE LAW
Ang Lifeline Rate ay diskwento sa electric bill para sa mahihirap at mga miyembro ng 4Ps. Ito ay mas pinalawak na tulong ng pamahalaan upang mas maging abot-kaya ang bayad at maging accessible ang kuryente para sa mahihirap na pamilya o may mababang kita.
𝗦𝗶𝗻𝗼-𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝘄𝗮𝗹𝗶𝗽𝗶𝗸𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼?
✅Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps members
✅ Marginalized end-users o mga pamilyang hindi kabilang sa 4Ps ngunit mababa rin ang kita.
𝘼𝙬𝙩𝙤𝙢𝙖𝙩𝙞𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙥𝙖𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 4𝙋𝙨 𝙗𝙚𝙣𝙚𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙧𝙞𝙚𝙨 𝙠𝙪𝙣𝙜:
✅Kasama sa latest certified 4Ps list mula sa DSWD.
✅Ang account sa OMECO ay mismong nakapangalan sa kanya. Kung hindi, maaaring ipalipat ang account sa pangalan ng 4Ps beneficiary sa pamamagitan ng Change of Name processing.
✅Tugma ang pangalan at address na nakasaad sa 4Ps ID at sa bill ng OMECO. Kung mayroong minimal na pagkakaiba sa pangalan, magbigay ng photocopy ng anumang valid government-issued ID, 4Ps ID, at electric bill (pinakabago). Kung address naman, maaaring magsumite ng certificate of residency bilang patunay at i-proseso ang pagsasaayos nito.
𝗡𝗢𝗧𝗘: Para sa mga pamilyang mababa ang kita o marginalized end-users/consumer, kinakailangang mag-apply mismo sa OMECO at magsumite ng mga sumusunod: (1) electricity bill (pinakabago), (2) valid government-issued ID, (3) sertipikasyon mula sa lokal na Social Welfare Development office (SWDO) na kayo ay kabilang sa maginalized end-user/consumer, at (4) application form (nasa MSD office).
𝗠𝗮𝗴𝗸𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘀𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼?
💡100% discount o walang babayaran sa kuryente kung pasok ang konsumo sa itinakdang limit na 0–50 kWh sa loob ng isang buwan.
𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻 𝘃𝗮𝗹𝗶𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗳𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝟰𝗣𝘀 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀?
✅Hanggang aktibong benepisyaryo ng 4Ps.
✅Hanggang kasama sa opisyal na listahan ng 4Ps.
𝗦𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗴𝗺𝘂𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗿𝗶𝘁𝗼?
✅Alinsunod sa Lifeline Rate Subsidy Program (LRSP), sa ilalim ng Republic Act 11552 at Energy Regulatory Commission (ERC) Resolution No. 2, Series of 2026, magkakaroon ng iisang singil na ₱0.01/kWh sa lahat ng mga hindi kabilang sa lifeline member-consumer-owners sa buong bansa upang pondohan ang mga diskwento na inilaan para sa mga marginalized end-users. Ito ay nire-remit ng OMECO sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation.
Magsisimula sa March 2026 Billing Cycle ang singil para sa Lifeline Subsidy Rate. Magsisimula naman sa April 2026 ang pagbibigay ng diskwento sa mga kwalipikado, ayon sa ERC Resolution No. 02, series of 2026.
Para sa kopya ng ERC Resolution No. 02, Series of 2026, i-click ang link na ito: https://bit.ly/3OlW9j6