Fight Illicit Trade

Call Directions Contact the business

Fight Illicit Trade Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Fight Illicit Trade, Industrial Company, San Juan.

Broad-based,multi-sectoral movement intended to protect consumers,safeguard government revenues and shield ligitimate industries from the ill-effects of smuggling.

Isang 46-anyos na babae na may-ari ng tindahan at residente ng Barangay Rizal, San Leonardo, Nueva Ecija, ang inaresto m...
13/09/2026

Isang 46-anyos na babae na may-ari ng tindahan at residente ng Barangay Rizal, San Leonardo, Nueva Ecija, ang inaresto matapos mahuling nagbebenta ng isang (1) rim ng RGD Red ci******es sa isang undercover police operative sa kanyang tindahan na matatagpuan sa Barangay Poblacion Central, General Tinio, Nueva Ecija.

Mapa-lalaki o babae, at kahit saang lugar, tuloy-tuloy ang pagsugpo sa mga sangkot at lumalabag sa batas.

Kung ayaw mong mahuli, huwag magbenta ng ilegal na sigarilyo!

Reference: Nueva Ecija Police Provincial Office

Ang galing ng “business idea”: benta ngayon, problema ng komunidad bukas.Kung ganyan ang diskarte, buong komunidad ang n...
10/09/2026

Ang galing ng “business idea”: benta ngayon, problema ng komunidad bukas.

Kung ganyan ang diskarte, buong komunidad ang napapahamak.

Kaya mas pinaigting ng Tarlac City ang kampanya laban sa ilegal na sigarilyo sa pamamagitan ng Task Force Kontra Ilegal na Sigarilyo.

Ang tunay na diskarte ay sumusunod sa batas. Huwag magbenta at bumili ng ilegal na sigarilyo!

Reference: Manila Bulletin

07/09/2026

Tingnan ang mga natimbog na ilegal na sigarilyo sa iba't ibang lugar sa Visayas at Mindanao!

Milyon-milyong pisong halaga ng kontrabando ang nasamsam sa sunod-sunod na operasyon. Milyon-milyong piso rin sana ang maaaring napunta sa mga serbisyong pangkalusugan, pagpapagawa ng mga kalsada, at iba pang serbisyong pampubliko, kung hindi lang napunta sa bulsa ng mga sindikato.

May mga pumapayag pa ring magpagamit sa mga sindikato para sa mabilisang kita. Ang ending? Sila ang haharap sa batas, habang ang mga utak ng operasyon ay naghahanap na naman ng susunod na magpapagamit.

Kung may alam kang nagbebenta ng ilegal na sigarilyo sa inyong lugar, isumbong agad sa mga awtoridad at tumulong sa pagsugpo sa ilegal na sigarilyo!

References: Bureau of Customs, Philippine Coast Guard, The Mindanao Sentinel, PNP General Santos City Police Office

Alam mo ba na maaari kang makulong kung nagbebenta ka ng sigarilyong walang tamang tax stamps at legal na dokumento?Walo...
04/09/2026

Alam mo ba na maaari kang makulong kung nagbebenta ka ng sigarilyong walang tamang tax stamps at legal na dokumento?

Walong suspek na ang naaresto matapos mahulihan ng ilegal na sigarilyong nagkakahalaga ng ₱22.5 milyon sa Davao del Norte.

Kapag ilegal ang bentahan ng sigarilyo, walang tamang buwis na nakokolekta ng pamahalaan. Ang nawawalang buwis na ito ay maaari sanang mailaan sa mahahalagang serbisyong pampubliko tulad ng edukasyon at pangkalusugan.

Ang pagsunod sa batas ay nakatutulong sa pagpopondo ng mga serbisyong kailangan ng mga Pilipino, kaya huwag magbenta at bumili ng ilegal na sigarilyo!

Reference: Criminal Investigation and Detection Group

May napapansing kahina-hinala sa isang tindahan? I-report ang mga kahina-hinalang nagbebenta ng ilegal na sigarilyo sa m...
01/09/2026

May napapansing kahina-hinala sa isang tindahan?

I-report ang mga kahina-hinalang nagbebenta ng ilegal na sigarilyo sa mga sumusunod na hotline upang sila ay maparusahan!

Kaya sa mga patuloy na lumalabag sa batas, wala kayong lusot!

May alam ka bang nagbebenta ng ilegal na sigarilyo?"Mura" lang daw. Oo nga, pero may mahal na kapalit.Hinihikayat ng Bur...
27/08/2026

May alam ka bang nagbebenta ng ilegal na sigarilyo?

"Mura" lang daw. Oo nga, pero may mahal na kapalit.

Hinihikayat ng Bureau of Customs ang publiko na magsumbong ng anumang impormasyon tungkol sa bentahan at pamamahagi ng ilegal na sigarilyo habang patuloy ang kampanya laban sa smuggling.

Ang tunay na lugi rito ay hindi ang mga sindikato, kundi ang mga Pilipinong umaasa sa serbisyong dapat napopondohan.

Kaya kung may alam ka, huwag manahimik. Isumbong ang ilegal na bentahan ng sigarilyo!

Reference: Bureau of Customs

Alam mo ba na pwede kang makulong kapag walang tamang graphic health warning ang sigarilyong ibinebenta mo?Tatlong lalak...
26/08/2026

Alam mo ba na pwede kang makulong kapag walang tamang graphic health warning ang sigarilyong ibinebenta mo?

Tatlong lalaki ang arestado sa Davao Oriental matapos mahulihan ng ₱10.9M na ilegal na sigarilyo at mahaharap sa kasong paglabag sa Graphic Health Warnings Law (RA 10643)

Kung ayaw mong ma-hassle at magbayad ng malaking multa o makulong, itigil na ang pagtangkilik at pagbebenta ng ilegal na sigarilyo!

Reference: Screen Cap

Alam mo ba na makukulong ka kung magsisinungaling ka sa deklarasyon ng kargamento para maipasok ang ilegal na sigarilyo ...
23/08/2026

Alam mo ba na makukulong ka kung magsisinungaling ka sa deklarasyon ng kargamento para maipasok ang ilegal na sigarilyo sa teritoryo ng Pilipinas?

Sa Tondo, Manila, nasamsam ang 23 container na idineklarang naglalaman ng consumer goods. Ngunit sa inspeksyon, tumambad ang ₱1.7 bilyong halaga ng ilegal na sigarilyo.

Bukod sa maling deklarasyon, wala ring tamang tax stamps ang mga sigarilyo. Dahil dito, mahaharap sa mga kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at National Internal Revenue Code ang mga sangkot.

Huwag isugal ang kalayaan para sa ilegal na sigarilyo. Ang maling deklarasyon at pagpupuslit ay may mabigat na kaparusahan sa ilalim ng batas!

Reference: Bureau of Customs PH

Mukhang kailangan na ng performance review ng mga smuggler.Sa loob lang ng mahigit anim na buwan, halos ₱10 bilyong ileg...
20/08/2026

Mukhang kailangan na ng performance review ng mga smuggler.

Sa loob lang ng mahigit anim na buwan, halos ₱10 bilyong ilegal na produktong tabako ang nauwi sa pagkakasamsam, kasabay ng daan-daang operasyon at mga kasong isinampa.

Kaya kung iniisip mong "tagapirma lang naman ako" o "pangalan ko lang ang gagamitin," tandaan na kasama ka rin sa babagsak at maaring makulong nang pang habang buhay.

Huwag magpagamit sa mga sindikato na sangkot sa kalakalan ng ilegal na sigarilyo!

Reference: House of Representatives of the Philippines

Tuloy-tuloy ang kampanya kontra ilegal na sigarilyo sa Davao Oriental, ayon kay PNP Chief Nartatez.​Dalawang suspek ang ...
17/08/2026

Tuloy-tuloy ang kampanya kontra ilegal na sigarilyo sa Davao Oriental, ayon kay PNP Chief Nartatez.​

Dalawang suspek ang naaresto matapos makumpiskahan ng mahigit ₱6 milyon halaga ng ilegal na sigarilyo.​

Saludo at taos-pusong pasasalamat sa Philippine National Police sa kanilang patuloy na dedikasyon at walang humpay na operasyon laban sa bentahan at distribusyon ng ilegal na sigarilyo. ​

Ang kanilang pagsisikap ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at sa pagprotekta sa kita ng pamahalaan na dapat mapunta sa mga serbisyong pampubliko.​

Tandaan mo na kapag nagbenta ka ng ilegal na sigarilyo, tiyak na may pananagutan ka sa batas tulad ng pagkakakulong panghabang buhay!​

Reference: Philippine National Police

Address

San Juan

Telephone

+639173444848

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fight Illicit Trade posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Fight Illicit Trade:

Shortcuts

Share