14/05/2026
“Sir, bakit hindi kasama ang Electrical Work sa Aircon Installation?”
Isa ito sa pinaka-common na tanong ng mga customer,at mahalagang malinaw ito bago ang installation schedule para iwas abala at misunderstanding.
✅ Ang Aircon Installation ay nakatuon sa Mechanical side:
• Pagkabit ng indoor at outdoor unit
• Vacuum at leak testing
• Copper tube at drainage installation
• Proper mounting at system checking
Samantalang ang Electrical Work naman ay hiwalay na trabaho tulad ng:
• Dedicated breaker installation
• Wiring at load computation
• Outlet at power line setup
• Safety protection para maiwasan ang short circuit o sunog
Tandaan po natin: Hindi basta-basta ang electrical. Kapag mali ang pagkakagawa, maaaring magdulot ito ng sira sa unit, mataas na konsumo sa kuryente, o mas malala — panganib sa bahay at pamilya.
Kaya sa professional na installation, magkaiba po talaga ang Mechanical at Electrical services dahil magkaiba rin po ang expertise, kagamitan, at responsibilidad na kailangan dito.
Mas mabuti nang malinaw ang usapan bago ang schedule ng installation para mas maayos, ligtas, at hassle-free ang trabaho.
For Aircon Installation, Cleaning, Repair, Relocation, at Electrical Assistance
📩Feel free to message our page anytime🙂
❄ Quality Service. Safe Installation. Guaranteed Workmanship.