07/05/2024
"Construction Workers"
Pag may bagong tayong building, ang atensyon natin ay nakatuon sa ganda, laki at taas ng building. At nakakalimutan natin kung sino ang gumawa ng building na iyon.
SINO ba sila?
โSila yung mga taong nakapagtapos ng elementary o high school na may mababang uri ng pamumuhay kung ituring ng Ilan.
โSila yung nagtatrabaho sa ilalim ng tirik na araw o sa mataas at delikadong building .
โSila yung hindi iniisip na baka mahulog o malaglagan ng mabigat na bagay pagkat ang iniisip nila ay may maipakain sa kanilang pamilya.
โSila yung isa sa pinakamahirap at mabigat na trabaho pero maliit ang sahod pero nagtitiis para sa pamilya. Ganyan nila kamahal ang pamilya nila.
โmartilyo, lagari at pala ang nagsisilbing ballpen nila.
โSila yung madalas magbaon ng sardinas, lucky me at kape na 3n1.pero masaya na sila.
โIsa sila sa pilit pinagkakasya ang sahod at minsan delay pa ang sahod.
โproud sila sa trabaho nila.
โSila yung construction worker kung tawagin...
SALUDO Po ako sa kanila dahil proud sila sa trabaho nila. Yung iba minamaliit sila dahil sa uri ng trabaho nila. Bawat pokpok ng martilyo, halo ng semento, hatak ng bakal, kinabukasan ng pamilya ang iniisip nila. Sila ang isa sa dahilan kung bakit may tulay, bahay, kalsada, at maging sementeryo kaya dapat proud tayo sa kanila.
At sana dumating ang araw na itaas din ang SAHOD nila.
Proud kami sa inyo!โจโค
From SUPC Family.
Credit To the owner .