27/07/2022
“Copying free house designs in the internet and letting carpenters of your choice build it”, ito rin ba ang plano mo to build your dream house? Please take time reading this para hindi ka magsisi sa bandang huli.
Sa pagpapatayo ng bahay ang first na dapat gawin ay maghire ng Architect for the Design and Civil Engineer for the structural, bakit? dahil sila ang mas nakakaalam ng computation ng space, lot requirements and load dahil hindi po lahat ng design na makikita natin sa internet ay suitable sa lot area natin. Wag magpapaniwala sa sinasabi ng iba na kumuha nalang ng foreman, mason at laborers para itayo ang design na gusto mo. Siyempre sasabihin nila kaya nila kasi gusto nilang kumita, pero kapag dumating ang panahon na masira ang bahay mo dahil sa hindi inaasahang pangyayari tulad ng lindol, hindi mo mahahabol ang mga yan since wala namang warranty ang pinagawa mo sa kanila. Isipin niyo, bakit may ibat ibang design ng rebars? Dahil every design ay nakabase sa lot requirements, sabihin na nating nakamura ka sa labor cost dahil hindi ka kumuha ng professionals, pero pagdating ng panahon marerealize mo na mas malaki pa pala nagastos mo compared kapag kumuha ka ng professionals sa construction.
©️ Lixxer Builders, Inc.
Credit to the owner of this picture.