SYETE Task Force

SYETE Task Force The official page of SYETE Task Force from Purok 7, Naggasican, Santiago City.

๐’๐€๐๐€ ๐€๐‹๐‹ ๐Š๐ˆ๐๐€๐Š๐€๐Œ๐”๐’๐“๐€! ๐’๐€๐๐€ ๐€๐‹๐‹ ๐ˆ๐๐€-๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„!๐€๐‘๐€๐˜ ๐Œ๐Ž๐Ž๐Ž ๐๐€๐Š๐€๐€๐€๐Š!!!๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐|Noong February 15, 2026, matagumpay na naisagawa a...
18/02/2026

๐’๐€๐๐€ ๐€๐‹๐‹ ๐Š๐ˆ๐๐€๐Š๐€๐Œ๐”๐’๐“๐€! ๐’๐€๐๐€ ๐€๐‹๐‹ ๐ˆ๐๐€-๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„!
๐€๐‘๐€๐˜ ๐Œ๐Ž๐Ž๐Ž ๐๐€๐Š๐€๐€๐€๐Š!!!

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐|Noong February 15, 2026, matagumpay na naisagawa ang Monthly Meeting ng Kabataan ng Purok 7 sa pangunguna ni Hon. Jhonn Mark S. Limbona, LPT. Ang pagpupulong na ito ay naglalayong palakasin ang partisipasyon ng kabataan at higit na mapabuti ang mga programa at inisyatiba ng purok.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang Youth Participation bilang mahalagang bahagi ng paghubog sa mga kabataang may pananagutan at malasakit sa komunidad. Sinuri rin ang Purok Performance upang matukoy ang mga nagawa, mga hamon, at mga susunod na hakbang tungo sa mas maayos at epektibong pamamahala. Bukod dito, napag-usapan ang paghahanda para sa nalalapit na Palarong Pambarangay 2026 na inaasahang magbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maipamalas ang kanilang talento, disiplina, at pakikipagkaisa.

Pagkatapos ng pulong, nagsagawa ng sama-samang paglilinis sa court na nagsisilbing pangunahing lugar ng aktibidad ng mga kabataan. Sa pamamagitan nito, ipinakita ng Kabataan ng Purok 7 ang kanilang pagkakaisa, responsibilidad, at tunay na malasakit sa kapaligiran.

Patunay lamang na ang isang komunidad na may aktibo at nagkakaisang kabataan ay may matibay na pundasyon para sa patuloy na pag-unlad.



๐๐š๐  ๐ ๐š๐ซ๐๐ž๐ง ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐š๐š!!! ๐๐š๐  ๐ ๐š๐ซ๐๐ž๐ง ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐š๐š!!! ๐˜๐ข๐ข๐ข๐ข๐ข๐ณ๐ณ๐ณ๐ณ!!!๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง|Sa pangunguna ni Jhonn Mark S. Limbona, LPT, katuwang ang...
17/02/2026

๐๐š๐  ๐ ๐š๐ซ๐๐ž๐ง ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐š๐š!!! ๐๐š๐  ๐ ๐š๐ซ๐๐ž๐ง ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐š๐š!!! ๐˜๐ข๐ข๐ข๐ข๐ข๐ณ๐ณ๐ณ๐ณ!!!

๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง|Sa pangunguna ni Jhonn Mark S. Limbona, LPT, katuwang ang masisipag at dedikadong kabataan ng Purok 7, patuloy ang ating sama-samang paghahanda para sa nalalapit na Purok Garden Evaluation.

Sa bawat pagdidilig, paglilinis, at pag-aalaga ng mga pananim, ipinapakita ng ating kabataan ang tunay na diwa ng pagkakaisa, responsibilidad, at malasakit sa komunidad. Hindi lamang ito simpleng paghahanda para sa pagsusuri, kundi isang patunay ng kanilang sipag, tiyaga, at determinasyon na mapanatiling maayos, masagana, at kapaki-pakinabang ang ating Purok Garden.

Kasabay ng paghahanda ay ang masayang pag-ani ng mga sariwa at masusustansyang gulay mula sa ating hardinโ€”isang bunga ng pagtutulungan at maayos na pamamahala. Ang bawat ani ay sumisimbolo ng tagumpay ng kolektibong pagsisikap at patuloy na suporta ng pamunuan at ng kabataan.

Ang SK Garden ng Purok 7 ay hindi lamang taniman ng gulay, kundi simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagpapaunlad ng ating komunidad.



๐…๐ฅ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐ญ๐ซ๐ž๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ซโ€”๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐“๐ก๐ฒ ๐„๐š๐ซ๐ญ๐ก ๐ƒ๐š๐ฒ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐•๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ง๐žโ€™๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ!๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐|Ngayong February 14, 2026, habang ang i...
14/02/2026

๐…๐ฅ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐ญ๐ซ๐ž๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ซโ€”๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐“๐ก๐ฒ ๐„๐š๐ซ๐ญ๐ก ๐ƒ๐š๐ฒ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐•๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ง๐žโ€™๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ!

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐|Ngayong February 14, 2026, habang ang iba ay busy sa flowers at chocolates, tayo naman ay busy sa pag-aalaga ng ating kalikasan bilang pagdiriwang ng Love Thy Earth Day!

Sa pangunguna ng Barangay Council ng Naggasican katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Naggasican, kasama ang ating mga ka-barangayan, sama-sama nating ipinakita na ang tunay na pag-ibig ay hindi lang para sa tao kundi para rin sa ating Inang Kalikasan.

Sa bawat pagtatanim, paglilinis, at pakikiisa, ipinapakita natin na may puso ang Naggasicanโ€”at hindi ito marupok!

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkalikasan ng ating barangay. Tandaan: kung gusto mo ng healthy relationship, simulan mo sa healthy environment!





๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ. ๐—ฌ๐—ฒ๐—ต๐—ฒ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฒ๐˜†!!!๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก|Araw ng anihan sa SK Garden ng Purok 7 patunay n...
11/01/2026

๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ. ๐—ฌ๐—ฒ๐—ต๐—ฒ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฒ๐˜†!!!

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก|Araw ng anihan sa SK Garden ng Purok 7 patunay na sa pamamagitan ng sama samang pagtutulungan, tiyaga, at malasakit, ang simpleng pagtatanim ay nagbubunga ng makabuluhang ani. Isa itong hakbang tungo sa mas luntiang at mas nagkakaisang komunidad.




๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐™‡๐™š๐™ฉ๐™ก๐™š๐™ฉ, ๐™—๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐™‡๐™š๐™ฉ๐™ก๐™š๐™ฉ, ๐˜ฝ๐™„๐™๐™๐™ƒ๐˜ฟ๐˜ผ๐™” ๐™‰๐™„ ๐™‡๐™€๐™๐™‡๐™€๐™ ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐™”๐™Š๐™‰!!! ๐ŸŽถ๐ŸŽ‰Mula sa Syete Task Force, taos-pusong pagba...
29/12/2025

๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐™‡๐™š๐™ฉ๐™ก๐™š๐™ฉ, ๐™—๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐™‡๐™š๐™ฉ๐™ก๐™š๐™ฉ, ๐˜ฝ๐™„๐™๐™๐™ƒ๐˜ฟ๐˜ผ๐™” ๐™‰๐™„ ๐™‡๐™€๐™๐™‡๐™€๐™ ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐™”๐™Š๐™‰!!! ๐ŸŽถ๐ŸŽ‰

Mula sa Syete Task Force, taos-pusong pagbati sa aming SK Member at Adviser, Hon. Jhonn Mark โ€œLetletโ€ S. Limbona.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang araw na ito at mapuno pa ng mas marami pang biyaya ang iyong buhay.

Maligayang kaarawan, SK Kagawad Letlet!

Layout| Harbi Flores

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ผ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐—ด: ๐—” ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ข๐˜‚๐—ฟ ๐—ž๐—ถ๐—ฑ๐˜€This Christmas season, we shared smiles and joy with the children of Pu...
24/12/2025

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ผ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐—ด: ๐—” ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ข๐˜‚๐—ฟ ๐—ž๐—ถ๐—ฑ๐˜€

This Christmas season, we shared smiles and joy with the children of Purok 7 through Project Loot Bag, a simple yet meaningful Christmas celebration made possible in partnership with Kagawad Danny Ternura.

Each loot bag may be small, but it carries love, hope, and the true spirit of Christmasโ€”reminding our children that they are valued and remembered.

Our heartfelt thanks and appreciation to the Home Owners Officers, Triskelion De Naggasican, AMC, and to all our generous sponsors for their support, cooperation, and shared commitment to bringing happiness to our kids. This project would not have been possible without your kindness and unity.

Together, we continue to spread joy and make this Christmas season brighter for everyone. ๐Ÿ’œ

๐’๐Ž ๐˜๐”๐”๐”๐‡!!!๐˜๐Ž๐‡๐Ž๐Ž๐Ž!!! ๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐Œ๐Ž๐Ž ๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐ˆ๐ˆ!!! ๐๐‹๐’! ๐๐‹๐’!! ๐๐‹๐’!!! ๐๐˜ ๐’๐€๐๐‘๐ˆ๐๐€ ๐‚๐€๐‘๐๐„๐๐“๐„๐‘๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐|Matagumpay na naisagawa ang SKA...
23/11/2025

๐’๐Ž ๐˜๐”๐”๐”๐‡!!!
๐˜๐Ž๐‡๐Ž๐Ž๐Ž!!!
๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐Œ๐Ž๐Ž ๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐ˆ๐ˆ!!! ๐๐‹๐’! ๐๐‹๐’!! ๐๐‹๐’!!! ๐๐˜ ๐’๐€๐๐‘๐ˆ๐๐€ ๐‚๐€๐‘๐๐„๐๐“๐„๐‘

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐|Matagumpay na naisagawa ang SKAMUSTAHAN ngayong buwan ng Nobyembre sa Purok 7 Habitat Village ngayong araw, pinangunahan ni SK Member Hon. Jhonn Mark Limbona, LPT.

Sa naging pagpupulong, tinalakay ang ibaโ€™t ibang mahahalagang usapin tulad ng garden update, pagkuha ng clearance, purok performance, at iba pang SK programs at activities na inaasahang magpapatibay sa partisipasyon ng kabataan.

Lubos din ang pasasalamat sa lahat ng kabataang dumalo at naglaan ng oras upang makiisa. Ang inyong aktibong presensya ay patunay na ang Kabataang Nagueรฑo ay handang makinig, makibahagi, at maging katuwang sa pagpapaunlad ng komunidad.

Maraming salamat, Purok 7 Youth!




๐…๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐๐š๐ ๐ฎ๐ž๐ง๐จ๐ฌ, ๐‹๐ž๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐›๐ž ๐ ๐ฅ๐š๐! ๐‹๐ž๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐›๐ž ๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐Ÿ๐ฎ๐ฅ!๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐|Ngayong araw ay matagumpay na naisakatuparan ang pagsasaayos...
22/11/2025

๐…๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐๐š๐ ๐ฎ๐ž๐ง๐จ๐ฌ, ๐‹๐ž๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐›๐ž ๐ ๐ฅ๐š๐! ๐‹๐ž๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐›๐ž ๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐Ÿ๐ฎ๐ฅ!

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐|Ngayong araw ay matagumpay na naisakatuparan ang pagsasaayos at pagpapaganda ng Purok Garden sa Habitat Village, Purok 7!

Lubos na nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan sa lahat ng kabataang tumulong at nagbigay ng oras para maisakatuparan ang gawaing ito. Ang inyong sipag at malasakit para sa ating komunidad ang nagbibigay-buhay sa ating mga proyekto.

Pinangunahan ito ni SK Member Jhonn Mark Limbona, LPT, kasama ang masisipag na kabataan ng Purok 7. Dahil sa sama-samang pagkilos, mas naging makulay, malinis, at kaaya-ayang espasyo ang ating Purok Garden.

Patuloy tayong magtulungan para sa mas luntiang, mas masigla, at mas maayos na komunidad!





๐—ฃ๐—ฆ๐—ฆ๐—ง๐—ง๐—ง!!! ๐—ฌ๐—ข๐—›๐—ข๐—ข๐—ข๐—ข!!! ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก ๐— ๐—ข๐—ข๐—ข ๐——๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—œ๐—œ!!! ๐—ฆ๐—”๐—•๐—œ ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—” ๐—œ๐—œ๐—›๐—›๐—›!!! ๐—ฆ๐—”๐—•๐—œ ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—”๐—”!!! ๐—•๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ข!!!The SK Naggasicanโ€”led by SK Cha...
22/11/2025

๐—ฃ๐—ฆ๐—ฆ๐—ง๐—ง๐—ง!!!
๐—ฌ๐—ข๐—›๐—ข๐—ข๐—ข๐—ข!!!
๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก ๐— ๐—ข๐—ข๐—ข ๐——๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—œ๐—œ!!!
๐—ฆ๐—”๐—•๐—œ ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—” ๐—œ๐—œ๐—›๐—›๐—›!!! ๐—ฆ๐—”๐—•๐—œ ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—”๐—”!!! ๐—•๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ข!!!

The SK Naggasicanโ€”led by SK Chairperson Lucy Claire Mateo, LPT and SK Member Jhonn Mark Limbona, LPTโ€”participated in the Sexually Healthy and Personally Effective Adolescent (SHaPE A) Module Roll-Out for SK Officials held at the BOSS Function Hall, City Hall, Santiago City.

The program opened with the Adolescent Situationer of Santiago City, highlighting key issues faced by the youth such as rising cases of teenage pregnancy, mental health concerns, and limited access to accurate health information and services. This was followed by a discussion on the Adolescent Health and Development (AHD) Program Strategies, presenting approaches that SK officials may adopt to strengthen youth-friendly health services, expand information campaigns, and enhance partnerships with Barangay Health Centers.

Participants were also introduced to the SHAPE A Module, a comprehensive guide designed to support youth programs focused on sexual and reproductive health, personal development, and responsible decision-making.

The activity concluded with an action planning session, where SK Naggasican actively crafted concrete steps and future initiatives to implement within the barangay.

SK NAGGASICAN โ€” SERVICE WITH PURPOSE, EMPOWERING EVERY YOUTH!



ANNOUNCEMENT: PLASTIC BOTTLE COLLECTION DRIVEInaanyayahan po namin ang lahat ng residente na makibahagi sa plastic bottl...
19/11/2025

ANNOUNCEMENT: PLASTIC BOTTLE COLLECTION DRIVE

Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente na makibahagi sa plastic bottle collection para sa recycling. Ang malilikom na pondo mula sa mga bote ay gagamitin para sa pagpapaganda ng ating Purok Garden ๐ŸŒฑ๐ŸŒธ

๐Ÿ“… Petsa: November 22, 2025
๐Ÿ“ Lugar: Basketball Court, Purok 7 Habitat Village
๐Ÿ•’ Oras: 8:00 am

Ihanda lamang po ang inyong malilinis na plastic bottles at dalhin sa itinakdang collection point. Sama-sama nating gawing mas luntian at mas maganda ang ating komunidad. Maraming salamat sa inyong suporta! โ™ป๏ธ๐Ÿ’š


โค๏ธ
17/11/2025

โค๏ธ

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐๐’๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐ค๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐’๐ ๐ˆ๐ฌ๐š๐›๐ž๐ฅ๐š

Pinarangalan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Isabela ang mga delegado mula sa Santiago City na nagwagi sa Philippine Sangguniang Kabataan Awards (PSKA) 2025, tanda ng pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa pagpapa-unlad ng sektor ng kabataan.

Iginawad ang Plaque of Commendation bilang bahagi ng ika-18 regular session ng SP ngayong araw, Nobyembre 17, sa Isabela Convention Center (ICON), Cauayan City.

Kinilala ang Local Youth Development Office (LYDO) โ€“ City of Santiago matapos tanghaling Most Outstanding LYDO (Provinces, Highly Urbanized Cities, and Independent Component Cities category).

Itinampok din ang SK Pederasyon โ€“ City of Santiago nang pangalanan bilang Most Outstanding SK Federation.

Samantala, tatlong SK councils mula sa lungsod ang tumanggap din ng pagkilala:

โ€ข SK Naggasican โ€“ Most Outstanding SK Council

โ€ข SK Patul โ€“ Project 6K bilang Most Outstanding SK Project (Education and Health Category)

โ€ข SK Rosario โ€“ Project SKore bilang Most Outstanding SK Project (Governance and Active Citizenship Category)

Matatandaan na ang mga nasabing parangal ay natamo bilang parte ng PSKA 2025 noong Oktubre 26 sa Novotel Manila Araneta City, Quezon City.

Sa pangunguna ng Positive Youth Development Network (PYDN) at ng National Youth Commission (NYC), ang PSKA ang itinuturing na pinakamataas na pambansang parangal para sa mga natatanging SK at LYDO sa buong Pilipinas.

๐˜๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜๐˜ข๐˜ณ๐˜ท๐˜ฆ๐˜บ ๐˜๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด
๐˜“๐˜ช๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜“๐˜ ๐˜‹๐˜–- ๐˜Š๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ


๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง: ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผNarito ang ilang mahahalagang paalala na dapat tandaan sa pa...
09/11/2025

๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง: ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ

Narito ang ilang mahahalagang paalala na dapat tandaan sa panahon ng bagyo.

๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก๐—–๐—ฌ ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ

Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na emergency hotlines sa panahon ng panganailangan:

BARANGAY HOTLINE
09264637439

KABSAT HOTLINES
09266221432 -GLOBE
09286996359 -SMART

SANTIAGO CITY ACTION CENTER
09534857656

BFP - SANTIAGO CITY
09175008535

PNP- SANTIAGO CITY
09178406374

SANTIAGO CITY RESCUE 1021
09055586669 -GLOBE
09981892545 -SMART

LDRRMC SANTIAGO CITY
09668677542 -GLOBE
09623646264 -SMART

Address

Santiago
3311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SYETE Task Force posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share