06/01/2026
DESIGN APPROVED and CANCELLED PROJECT
PROJECT NAME: 2 STOREY COMMERCIAL + RESIDENTIAL BUILDING
PROJECT LOCATION: ALFONSO CAVITE
LOT AREA 240 SQM
FLOOR AREA 220 SQM
GROUND FLOOR - HAIR SALON (COMMERCIAL)
SECOND FLOOR - CLIENT HOME (PRIVATE RESIDENTAIL)
This project will no longer proceed due to the following circumstances:
Ako ay isang independent construction designer/contractor. Noong ako ay tawagan ni Ms. Maria Llasos sa pamamagitan ng Viber, tinanong niya ako kung maaari akong magdisenyo at magpagawa ng bahay. Agad kong sinagot na ako ay available at handang tumulong.
Ipinag-utos ni Ms. Maria na ako ay pumunta sa project site para magsagawa ng ocular inspection at makipag-ugnayan sa kanyang anak na si Mr. Angelo Llasos. Nagkita kami ni Mr. Angelo sa site sa Alfonso, kung saan detalyado naming tinalakay ang nais nilang disenyo at iba pang project requirements.
Matapos ang aming usapan, nagkasundo kami sa mga detalye ng proyekto. Gumawa ako ng floor plan at schematic design, na agad namang inaprubahan ni Ms. Maria Llasos. Ipinaalam ko rin kaagad kay Mr. Angelo na approved na ang design, kaya nag-proceed ako sa final design stage upang mapabilis ang proseso.
Dahil si Ms. Maria ay nasa Kuwait, ang aming komunikasyon ay isinasagawa lamang sa pamamagitan ng Viber calls at video calls.
Bago ako gumawa ng estimation, muli kong ipinresenta ang final design kay Ms. Maria, na muli niyang inaprubahan at hiniling na simulan na agad ang proyekto. Ipinaalam ko sa kanya na bago ang aktwal na pagsisimula, ako ay maghahanda muna ng Bill of Materials, na siyang aking ginawa batay sa approved final design.
Matapos kong ipadala ang Bill of Materials, naghintay ako ng ilang araw upang malaman kung ito ay approved at pasok sa kanilang budget. Subalit mula noon, hindi na sinagot nina Ms. Maria Llasos at Mr. Angelo Llasos ang aking mga tawag at mensahe, kabilang ang paniningil ko ng final billing para sa design services.
Sinubukan ko pang makipag-ugnayan upang alamin ang kanilang plano hinggil sa design na aking ginawa, ngunit wala na akong natanggap na kahit anong tugon. Naghintay ako sa pag-aakalang sila ay abala lamang, hanggang sa tuluyan na akong i-ghost.
Dahil dito, napilitan akong dumulog sa barangay upang singilin na lamang ang hindi nabayarang design fee, kahit wala na akong inaasahang matutuloy pa ang proyekto. Sa barangay hearing, humarap si Mr. Angelo Llasos at doon ay maayos naming napag-usapan ang pangyayari sa harap ng barangay worker at kapitan.
Ipinahayag ni Mr. Angelo na ayon sa kanyang ina, sila ay namahalan at masyado raw malaki ang quotation. Ipinaliwanag ko naman na ang aking quotation ay direktang ibinatay sa approved design ni Ms. Maria Llasos, at kung ito man ay hindi umayon sa kanilang budget, sana ay nakipag-usap sila nang maayos dahil ang presyo ay negotiable at ang design ay maaari sanang i-downgrade upang umayon sa kanilang kakayahan.
Sa kabila nito, walang malinaw na sagot kung ano ang plano ng kanyang ina. Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring resolusyon, hindi nabayaran ang design services, at hindi rin nila ginalang ang barangay proceedings, dahil hindi na rin nila sinasagot ang mga tawag ng barangay.
Sa kasalukuyan, ipinagpapasa-Diyos ko na lamang ang pangyayari, dala ang paniniwalang ang hustisya ay darating sa tamang panahon.
Hindi ako sanay magpost ng ganito pero gagawin ko ito para maging aral at babala sa iba na umiwas sa mga ganitong tao.
Ps. Any future use of the submitted designs without proper settlement shall be subject to applicable legal remedies.
Nasayang lang effort at oras ko sa tulad nilang bastos kausap.
γviralγ·