12/11/2026
𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐓𝐨𝐮𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐚𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐦𝐢𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐂𝐨𝐭𝐚𝐛𝐚𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐒𝐮𝐥𝐭𝐚𝐧 𝐊𝐮𝐝𝐚𝐫𝐚𝐭
Koronadal, South Cotabato - Matagumpay na naisagawa ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI), sa pakikipagtulungan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region XII at Soccsksargen Responsible Miners Association (SRMA), ang 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘛𝘰𝘶𝘳 2026 - 𝘈 𝘍𝘰𝘳𝘶𝘮 𝘰𝘯 𝘙𝘦𝘴𝘱𝘰𝘯𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦 𝘔𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨, na umabot sa 285 mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12 sa apat na paaralan sa South Cotabato at Sultan Kudarat.
Isinagawa ang aktibidad sa Tablu National High School noong Oktubre 14, Tampakan National High School noong Oktubre 15, Columbio National High School noong Oktubre 28, at Philippine Science High School – SOCCSKSARGEN Region Campus XII noong Oktubre 29, 2026.
Sa pamamagitan ng mga talakayan at interactive sessions, nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong higit na maunawaan ang industriya ng pagmimina, mga responsableng pamamaraan nito, at ang kahalagahan ng pagbabalanse ng pagpapaunlad ng yamang mineral at pangangalaga sa kalikasan.
Ikinatuwa ni Dr. Rochelle T. Papasin, Ph.D., Campus Director ng Philippine Science High School – SOCCSKSARGEN Region Campus XII, ang programa at kinilala ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga institusyon upang makapagbigay ng makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
“𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘢 𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘨𝘰𝘰𝘥 𝘧𝘰𝘳𝘶𝘮 𝘧𝘰𝘳 𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘵𝘶𝘥𝘦𝘯𝘵𝘴, 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘔𝘐 𝘪𝘴 𝘢 𝘸𝘦𝘭𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘯𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭. 𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘵𝘳𝘶𝘭𝘺 𝘢 𝘨𝘰𝘰𝘥 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘯𝘦𝘳𝘴𝘩𝘪𝘱, 𝘢𝘯𝘥 𝘐 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘢𝘯𝘬 𝘋𝘌𝘕𝘙, 𝘔𝘎𝘉, 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘔𝘐 𝘧𝘰𝘳 𝘤𝘰𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘱 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮 𝘪𝘯𝘷𝘰𝘭𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘚𝘏𝘚-𝘚𝘙𝘊,” saad niya.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Emilyn Borja, Principal ng Tampakan National High School, dahil sa pagkakataong ibinigay sa mga mag-aaral na higit pang matuto tungkol sa responsableng pagmimina.
“𝘞𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘯𝘬𝘧𝘶𝘭 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 𝘨𝘪𝘷𝘦𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘵𝘶𝘥𝘦𝘯𝘵𝘴, 𝘦𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘪𝘯 𝘛𝘢𝘮𝘱𝘢𝘬𝘢𝘯, 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵𝘶𝘯𝘪𝘵𝘺 𝘵𝘰 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘳𝘦𝘴𝘱𝘰𝘯𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦 𝘮𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨. 𝘛𝘩𝘢𝘯𝘬 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰 𝘚𝘔𝘐 𝘢𝘯𝘥 𝘔𝘎𝘉 𝘧𝘰𝘳 𝘣𝘳𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘷𝘢𝘭𝘶𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘦𝘹𝘱𝘦𝘳𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭,” ani niya.
Ipinapakita ng School Tour 2026 ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pribadong sektor, pamahalaan, at mga institusyong pang-edukasyon sa pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan ng publiko tungkol sa responsableng pagmimina.
Sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon at pakikilahok ng kabataan, patuloy na isinusulong ng SMI ang kahalagahan ng responsableng pagpapaunlad ng likas na yaman, pangangalaga sa kapaligiran, at pangmatagalang pag-unlad ng mga komunidad. Bahagi rin ito ng pangako ng kumpanya na patatagin ang tiwala at pakikipagtulungan sa mga host at karatig-komunidad habang naghahanda ang Tampakan Project para sa komersyal na operasyon. (30)
MGB Soccsksargen
DENR Soccsksargen
National Commission on Indigenous Peoples - Region XII
Municipality of Malungon
Municipal Government of Tampakan
Columbio SulKud